Baby River at ang kahayupan ng Diktadurang Duterte | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Baby River at ang kahayupan ng Diktadurang Duterte

/ 08:53 AM October 19, 2020

Heavily armed cops and soldiers surrounding Baby River's coffin and her political prisoner mother (in PPE). INQUIRER FILE

Heavily armed cops and soldiers surrounding Baby River’s coffin and her political prisoner mother (in PPE). INQUIRER FILE

Isang ina, nakaposas, sa burol ng sariling anak, isang sanggol, tatlong buwang gulang lang.

Si Baby River, pinanganak sa bilangguan, anak ng isang human rights activist, kinulong dahil pinaglaban niya ang mga karapatan ng mga urban poor sa Maynila.

Si Baby River, agad agad ihiniwalay sa nanay niya, na namatay na malayo sa kanya. Tatlong buwang gulang lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung supporter ka ni Duterte, may bagong kahayupang ipapalamon sa iyo — na okay lang ang walang awang pambubutangero sa isang ina na ang tanging kasalanan ay ang ipaglaban ang karapatan ng mga walang laban … na okay lang ang walang awa at walang hiyang pagtrato sa isang sanggol at sa kanyang ina.

Ganyang ang buhay Pinoy sa ilalim ng Diktadurang Duterte, sa ilalim ng gobyernong walang pakundangan sa pambabastos at pambabalusabas ng karaniwang Pilipino, ng mga naghihirap.

“Masyado ninyong ginagawang pang drama serye sa hapon ang paghihinagpis niya. Tigilan niyo!” sabi ng isang tauhan ni Duterte, ang tagapagsalita ng MMDA.

ADVERTISEMENT

Ganyan ang buhay Pinoy sa panahon ng Diktadurang Duterte.

Ang pambababoy sa isang ina at sanggol niyang anak, ang walang hanggang kawalang hiyaan ng mga awtoridad na nagpadala ng sangkatutak ng pulis para bantayan ang pagdalaw ng isang ina sa burol ng sarili niyang anak, dahil baka nga naman tumakas, baka nga naman makakalas sa mga bantay, baka nga naman magawang makawala sa kabila ng pagkakaposas sa kanya — ganyan ang buhay sa panahon ng pinunong walang awa, walang dangal, walang paggalang sa mga tradisyong Pilipino.

“Masyado ninyong ginagawang pang drama serye sa hapon ang paghihinagpis niya. Tigilan niyo!”

ADVERTISEMENT

Ganyan ang sasabihin ng isang opisyal na sunudsunuran sa isang diktador tulad ni Duterte. Ganyang ang isasagot ng isang opisyal ng isinuko na ang kanyang dignidad para pagsilbihan ang isang presidenteng walang kakayahang magpakita ng kahit konting awa at pag unawa sa mga naghihirap na Pilipino.

“Masyado ninyong ginagawang pang drama serye sa hapon ang paghihinagpis niya. Tigilan niyo!”

Ganyan ang sasabihin ng isang Pilipinong tuluyan nang nawalan ng paggalang sa dangal ng Pilipino.

Visit the Kuwento page on Facebook

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: human rights, prison, Rodrigo Duterte
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.