Ang katatagan ni Leni Robredo | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Ang katatagan ni Leni Robredo

Vice President Leni Robredo and Sen. Panfilo "Ping" Lacson. YOUTUBE

Vice President Leni Robredo at Sen. Panfilo “Ping” Lacson. YOUTUBE

Malinaw na na walang bilib si Ping Lacson kay Leni Robredo.

“If the goodness of the heart is one single criterion to elect a president, then I think she’s in it to win it,” sabi niya. “But we all know na hindi naman pwedeng lang yung busilak yung puso yung uupo and kailangan merong toughness at iba pang qualities.”

Merong toughness. Merong katatagan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Malinaw din na matagal nang pinakita ni Leni Robredo iyon.

Kung lampa si Robredo, matagal na siyang sumuko.

Kung mahina ang bise presidente, hindi siya tumagal sa isang posisyon na sangkatatutak ang pambabastos, walang tigil ang pambabalasubas sa kanya at sa pamilya niya, walang humpay ang pagpapakalat ng mga kasinungalingan, walang awat ang pagmumura ng presidenteng halatang walang paggalang sa ibang tao, lalo na isang babaeng lider na gustong tumulong sa iba.

ADVERTISEMENT

Kung mahina si Robredo, maninigas na langat magtatago na lang siya sa sulok sa harap ng walang humpay na paninira at pagbabanta ng mga alipores ni Duterte.

Pero anong nangyari? Anong ginawa ng isa na siguro sa pinakamabisang bise presidente sa kasaysayan ng Pilipinas?

Nagtrabaho siya. Nag organisa ng mga kampanya para tulungan ang mga nasalanta ng pandemya. Gumawa ng mga plano para makatulong ang opisina niya — kahit kokonti lang ang budget at walang tigil ang pambabastos ng mga supporte ni Duterte.

ADVERTISEMENT

Iyan ang toughness. Iyan ang katatagan.

Hirap sa mga tulad ni Lacson, ang toughness sa kanila e yong nagmumura, yong pasiga siga, yong naghahanap ng away. E napakalinaw na — mga lampa ang mga ganoong klaseng lider!

Sila yong magyayabang na “Sasakay ako ng jetski at pupunta ako sa West Philippine Sea!” tapos titiklop lang pala at sasabihing nambobola lang siya…

Siya yong sisiga sigang sasabihin, “Shoot to kill!” sa kampanya sa droga na hindi naman sumugpo sa iligal na droga na mas naging malala pang problema sa bansa.

Siya iyong kala mo kung sinong matapang na kakalaban sa mga kaaway ng bansa, tapos e maduro lang nang konti ng Partido Komunista ng Tsina e tiklop na agad at walang hiya nang pinamimigay ang Pilipinas.

Ang matatag iyong masigasig na nagtatrabaho bagamat nanganganib ang buhay dahil sa kawalanghiyaan ni Duterte.

Ang matatag iyong patuloy lang na nagtatrabaho para tulungan ang mga mamamayang naghihikahos sa gitna ng pandemya sat malawakang patayang inilunsad ni Duterte.

Ang matatag iyong walang takot na hinaharap ang mga banta at pambabastos ng mga alipores ni Duterte, kasama na iyong mga dating nagpapanggap na naninindigan para sa karapatang pantao iyong pala mga balasubas ding tulad ni Duterte.

Merong toughness? Limang taon nang pinapakita ni Leni Robredo ang katatagan niya. Iyong tunay na katatagan at katapangan. Hindi yong pa-macho, hindi pekeng toughness, hindi katapangang hilaw…

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

MORE STORIES
Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: Leni Robredo, Philippine politics, Philippine presidential election
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.