Bakuna | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Bakuna

REUTERS

REUTERS

Patapos na ito. Sana. Mabisa ang bakuna. Sana. Mabisa ang bakuna. Malinaw ito sa Amerika, kung saan malaki ang pinagbago, mabilis ang pagbagsak ng bilang ng mga nagkakasakit at namamatay.

Halos apat na milyong tao na ang namatay sa buong mundo. Lampas kalahating milyon dito sa Amerika.

Pero humuhupa na ang pandemya. Lampas 200,000 ang nahahawaan ng Covid noong Enero. Mga sampung libo na lang nitong nakaraang linggo. Mga tatlong libo ang namamatay bawat araw noong Enero. Mga 350 nitong mga nakaraang araw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang isang nakakadismaya ay ang pagtanggi ng maraming tao sa US sa pagbabakuna. Samantala matindi ang pangangailangan sa ibang bansa kung saan nais ng mga mamamayang magpabakuna, nais maging ligtas sa pandemya.

At marami sa mga tumatangging magpabakuna, walang katuturan ang dahilang ibinibigay. Karamihan ay tinatanggihan ang siyensya, ang katotohanang malinaw na sa napakarami, ang katotohanang mabisa ang bakuna sa pagsugpo sa coronavirus.

Karamihan na sa mga pamilya ko at mga malalapit na kaibigan sa Amerika at sa Pilipinas ang nabakunahan. Magandang balita ito bagamat may ilan ding kakilala na nagkasakit at naghikahos sa Covid, kasama na ang ilang mga nagtatrabaho bilang nurse.

ADVERTISEMENT

Kahit paano, sa kabila ng halos isa’t kalahating taon ng kawalang katiyakan, ng pag iwas sa mga publikong lugar, ng paggamit ng mark, at pag social distance, mukhang nakakaahon na tayo sa matinding krisis na sumalanta sa maraming pamilya at mga komunidad sa buong mundo.

Marami tayong natutunan sa nakaraang taon. Maraming aral na mapupulot sa matinding krisis na pinagdaanan natin.

Pinakaimportante na dito ang importanteng papel ng mga karaniwang manggagawa — ang mga nagtatrabaho sa mga supermarket at tindahan, silang mga naglilingkod sa sa mga lugar at negosyo napakahalaga sa araw araw.

ADVERTISEMENT

Unang una na siyempre ang mga ospital at health centers na naging kritikal sa buhay ng marami sa atin. Pero kasama na rin ang iba pang lugar na kailangan natin para ating pagkain at iba pang kailangan sa ating mga pamamahay. At nakita rin natin ang kahalagahan ng mga nagdedeliver ng mga ito noong panahon ng krisis.

Nakita rin natin kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng matino, paniniwalaan at gagalangin na pinuno. Kitang kita ito sa Estados Unidos kung saan naging matingkad ang kabulastugan ni Trump na sadyang walang pakialam sa pagdurusa ng iba at walang kakayahang pamunuan ang isang matindi at nakamamatay na krisis.

At nakikita ito sa Pilipinas kung saan naging malinaw din na ang presidenteng nag udyok sa malawakang patayan at walang pakialam sa paghihirap ng mga karaniwang Pilipino sa gitna ng pandemya, at walang kakayahang pamunuan ang isang nakakatakot na krisis.

Hindi pa tapos ang krisis. Marami pa ang nagkakasakit at namamatay. Hindi pa malinaw kung paano mapapalawak ang abot ng bakuna lalo na mga bansang patuloy na sinasalanta ng coronavirus, tulad ng India, Pilipinas at maraming bansa sa South America.

Subalit sa ilang sulok ng mundo, mas nagiging malinaw na maaaring makaahon sa krisis na ito.

Marami tayong natutunan sa paglalakbay na ito. At sana maging totoo na hindi masasayang ang mga aral na ito.

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: covid, vaccine
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.