Palayain si Amanda Echanis | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Palayain si Amanda Echanis

/ 10:48 AM December 15, 2020

Amanda Echanis, kasalukuyang nakakulong. ANAKPAWIS

Amanda Echanis, kasalukuyang nakakulong. ANAKPAWIS

Sa video sa Facebook, larawan ng isang mabuting ina si Amanda Echanis. Nakangiti, puno ng ligaya habang hawak niya ang bagong baby niya. “Matakaw. Malakas kumain,” sabi niya, sabay tawa.

Pero sinabi rin niya, “Makakaasa kayo na tuluy tuloy ang laban. Sana makalaya na kami.”

Hindi na nakakagulat na sa ilalim ng walang awa at walang kasing lupit na pamumuno ni Duterte, nagiging karaniwan na ang pagdakip at pambubutangero sa isa ina na nag aaruga sa isang sanggol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mga pinakabulag na tagahanga lang ni Duterte ang hindi mapupuno ng galit at awa sa nangyari sa human rights ativist na si Reina Mae Nasino na nagbigay silang kay Baby River sa bilangguan. Agad ihiniwalay ang sanggol sa nanay niya. Namatay ang bata matapos ang tatlong taon na malayo sa nanay niya.

Pero hindi natapos doon ang kawalanghiyaan ng rehimeng Duterte. Sa burol ni Baby River, patuloy ang pambabastos kay Nasino. Nakaposas siya, at pinaligiran ng sangkatutak na bantay noong dumalo sa burol ng sarili niyang anak.

At lantaran ang kawalanghiyaan ng mga kampon ni Duterte: “Masyado ninyong ginagawang pang drama serye sa hapon ang paghihinagpis niya. Tigilan niyo!” sabi ng tagapagsalita ng MMDA.

ADVERTISEMENT

Ngayon, si Amanda Echanis naman ang binabalasubas ng isa sa pinaka balasubas na pamahalaan sa kasaysayan ng Pilipinas.

Pero palaban si Amanda Echanis na malinaw sa video, nagpapakita ng tahimik at mahinahong katatagan.

“Gawa gawa lang ang kaso nila laban sa amin,” sabi niya. Nagagawa pa ngang magpatawa ng aktibistang ina.  Kabulastugan ang pag aresto sa kanya diin niya.

ADVERTISEMENT

“Wala po akong baby armalite — baby lang,” sabi daw niya sa mga nag interrogate sa kanya. “Wala ring akong pasabog. Pasabog lang na balita ‘Surprise, it’s a boy.’”

Mas lalo pang nakakahanga ang tapang na pinapakita ni Echanis dahil kadaraan lang niya sa trahedya. Noong Agosto, pinatay ng mga tauhan ni Duterte ang tatay niya, si Randy Echanis, isang beteranong aktibista na peace consultant ng NDF.

Panahon ito ng lantarang pambubutangero sa mga lumalaban para sa karapatan ng mga karaniwang mamamayan.

Panahon ng garapalang pambubutangero at pagpaslang sa mga Pilipino nangangahas kalabanin ang isang goberynong naglunsad ng malawakang patayan at patuloy ang pambubusabos sa bayan, lalo na ang mga mahihirap.

Panahon ng takot at pangamba.

Pero gaya ng pinapakita ni Amanda Echanis, panahon din ng katapangan at katatagan.

“Alam naman natin na sa halip na magpapahina ay mas lalo pang magpapalakas sa mamamayang lumalaban,” sabi niya. “Mas marami pang namumulat doon sa mga tunay na kalagayan.

“Iyong mga mahihirap na sitwasyon, hindi ito iyong magpapahina sa atin,” sabi niya. Iyan ang magpapanday sa atin para maging mas malakas.”

At habang sinasabi niya ito, may ngiti sa mukha ni Amanda Echanis, puno ng pagmamahal sa sanggol sa kanyang kamay.

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: human rights, prison, red-tagging, Rodrigo Duterte
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.