Inutil na presidente | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Inutil na presidente

President Rodrigo Duterte delivering his State of the Nation Address before Congress. INQUIRER

Pambihira talaga pag presidente mismo ang umaamin na inutil siya.

Pero nariyan na nga — si Rodrigo Duterte, ang pangulong naging inspirasyon ng malawakang patayan, ang lider na wala raw kinakatakutan, sinabi niya, inamin niya, “Talagang inutil ako diyan.”

Walang katapat ang bagsik niya sa pagbatikos sa mga pinagbibintangang adik at pusher: ‘Tangina patayin lahat iyan!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero pag katapat ang isang dayuhang pwersa walang pakundangang sumasakop sa teritoryo ng mga Pilipino, nawala ang bagsik, ala palang ibubuga: “We have to go to war. And I cannot afford it. Maybe some other president can but I cannot. Inutil ako diyan. Talagang inutil ako diyan. Walang magawa.”

Noong nagdimaan sa Mindanao, kung saan kelangang sumugod ang mga sundalo ng bansa, si Duterte, machong-macho, tigas na tigas, laban lang daw sila, sulong lang daw ang mga kawal ng republika.

Siya raw ang bahala sa kanila.

ADVERTISEMENT

“Trabaho lang kayo. Ako na bahala. Ako na magpakulong sa inyo. Kapag naka-rape ka ng tatlo, aminin ko na akin ‘yun.”

Pero sa mga pambubutangero ng Partido Komunista ng Tsina sa West Philippine Sea, walang mahirit si Digong, iwas pusoy.

“Talagang inutil ako diyan. Walang magawa.”

ADVERTISEMENT

Si Duterte, sobrang tapang kung magmura. Kahit sino minumura. Kahit sino binabanatan. Walang kasinglutong ang mga mura…

Kay Pope Francis … “ ‘Pope putang ina ka, umuwi ka na. ‘Wag ka nang magbisita dito.

Kay Barack Obama: “itong si Obama. Itim-itim mo mayabang ka. Putangina mo.”

Sa mga karaniwang jeepney driver .. “Mahirap kayo? Putangina, magtiis kayo sa hirap at gutom! Wala akong pakialam!”

Pero pag si Xi Jinping, pag mga pinuno ng Partido Komunista ng Tsina, pag mga naghahari sa Beijing, aba malambing, mapagpakumbaba, tameme ..

“We have to go to war. And I cannot afford it. Maybe some other president can but I cannot. Inutil ako diyan. Talagang inutil ako diyan. Walang magawa.”

Medyo parang nanghihina at nangangamba pa ang boses ni Duterte noong sinabi niya ito. Mabigat daw ang kalaban. Balewala ang mga magpuputak tungkol sa kalayaan at integridad ng Pilipino.

“China is claiming it, we are claiming it. China has the arms. We do not have it. So, it’s as simple as that. They are in possession of the property…so what can we do?”

Ano nga naman ang magagawa pa?

Hindi uobra sa Partido Komunista ng Tsina ang astang siga tulad nang pinapakita niya sa mga mahihirap na Pilipinong binagbibintangan niyang adik at pusher.

Alang epekto sa Beijing ang astang macho niya noong sinabihan niya ang mga sundalong Pilipino: Akong bahala sa inyo — mangrape lang kayo!

Balewala sa pamunuan ng Partido Komunista ng Tsina ang mga malulutong niyang mura.

Sa mga dayuhang butangero, supalpal. Tiklop na lang. Atras na lang.

“Talagang inutil ako diyan. Walang magawa.”

Visit the Kuwento page on Facebook.

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: authoritarianism, Philippine politics, Rodrigo Duterte, State of the Nation Address
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.