Maraming nagalit sa akin sa sinulat ko tungkol kay Lorraine Badoy.
Paano ko raw matatawag na feminist at tagataguyod ng human rights ang isang sumuporta sa pangulong walang paggalang sa kababaihan at walang humpay ang paglabag sa karapatan ng mamamayan.
Subalit may ilang naging bukas sa teorya ko: na maaaring ang mga eksaherado at walang saysay na pambabatikos ng Asec sa mga kumakalaban kay Duterte ay patagong suporta sa oposisyon, lalung lalo na kay Vice President Leni Robredo.
“It kinda does make sense since she’s really doing a good job solidifying the pro-Leni peeps,” sinulat sa Facebook ng aktibistang si Carlos Celdran. “I am liking Leni more and more everyday thanks to her.”
At gaya ng pinaalala ni Gang Badoy, ang respetadong educator at broadcaster na kapatid ng Asec, sinuportahan ng kapatid niya si Leni Robredo noong eleksyon: “I wonder what the Vice President did or is to her to merit her constant disdain? Mere politics? It can’t be personal, I don’t think they ever met. Except when she campaigned/endorsed for Leni with a formal portrait under ‘Women for Leni.’ I am not even part of this Women for Leni campaign. I don’t even have that formal portrait thing going, hindi ako kasama doon, siya oo. Ang strange.”
Sobrang strange talaga.
Pero hindi na masyadong strange kung babalikan at pag-aaralan ang mga sinabi at ginawa ni Badoy noong nakaraan.
Isa na rito ang masigasig niyang pagbatikos kay Ferdinand Marcos, na idolo ni Duterte na isang matibay na kaalyado ng pamilya ng nasirang diktador.
Noong lumabas ang balita ng makakatanggap ng compensation ang mga biktima ng diktadura noong 2014, isa si Badoy sa mga nagsalita upang ipagdiwang ang tagumpay ng mga pinahirapan ni Marcos, silang nagdusa noong panahong ang Pilipinas ay nasa ilalim ng tinawag niyang “the Philippine Adolf Hitler, Ferdinand Marcos who oversaw our country’s Holocaust.”
Sobrang tindi noon! “Ferdinand Marcos who oversaw our country’s holocaust.”
At may iba pang malulupit na banat ang Asec sa nga supporters ng diktador: “This must be astounding news to Marcos loyalists and apologists. Yes, dingbats, like I told you, THE VERDICT IS IN: your man, Ferdinand is a plunderer and a murderer. Tagal na. Baka di nyo pa alam, tapos na World War 2 at nag-uwian na ang mga Hapon ha. Basa basa kasi pag may time.”
Walang takot niyang binalikan ang mga kahayupan ng rehimen ni Marcos:
“What is just compensation for interrupted lives? Of being subjected to torture (what was it the military loved to do then? Water torture? Electrocution of testicles? Rape? Cutting you up? Solitary confinement? Years of imprisonment with no charges filed against you? Torturing you to within an inch of your life?”
At buong pananalig na ipinahiya ni Badoy ang kawalang-hiyaan ng mga sumusuporta kay Ferdinand Marcos:
“Surely this is a clear victory and a vindication–this court ruling. An up yours to those willfully obtuse Marcos loyalists who have denied that these heinous crimes happened and who continue to weigh us down with their willful ignorance.”
All caps pa ang punchline ni Asec: “Today I looked at this man’s face. And swore NEVER AGAIN. NEVER FORGIVE. NEVER FORGET.”
Kaya nga dapat din tayong mag never forget sa pananalig na pinakita ni Asec.
“Marcos Martial Law: Never Again” ang pamagat ng kilalang libro ng journalist na si Raissa Robles. Tinuturing itong isa sa pinaka mahusay at komprehensibong paglalantad ng mga krimen ng diktadura ni Marcos. Naging napakasikat ng libro, maski si Badoy dumalo sa launching. May retrato siya kasama ni Robles at ibang bumabatikos sa diktadura ni Marcos, pati na ang nagsimula ng lumalawak anti-Marcos dictatorship Facebook group na Never Again: No to Dictators, to Martial Law, to a Marcos Return to Power.
Ito pa nga ang hindi alam ng marami: isa si Lorraine Badoy sa mga unang miyembro ng Never Again to Marcos group.
Masalimuot ang pakikibakang kinakaharap ng sambayanan. Iba ibang ang paraaan ng pakikipaglaban, sa lansangan, sa social media, sa mga paaralan …. Sa labas ng pamahalaan … at sa loob…
Di ba napakalaking sakripisyo ang ipagtanggol ang patayan at pambubusabos sa mga mamamayan para sa isang magiting na bumatikos sa diktadurang Marcos, sa utak ng tinawag niyang holocaust?
Hindi ba napakasakit magsulat ng blog na “DigongMyLabs” para sa isang feminist na malamang ay sukang suka na, diring diri, sa mga pinaggagawa at pinagsasabi ni DigongMyLabs — ang mga jokes tungkol sa rape, ang walang pakundangang pambabastos sa mga kababaihan?
Napakalaking sakripisyo.
Kaya sa susunod na umarangkada na naman si Asec, sa susunod na maglunsad siya ng walang saysay na pagsuporta kay Duterte, sa mga patayan, sa paglalapastangan ng mamamayan, sa pambabastos sa batas, sa kababaihan, sa mga mahihirap, bago siya batikosin, bago kontrahin, baka pwede ring padalhan siya ng mensahe: “Dahil sa mga atake mo, mas nagiging malinaw ang nangyayari, ang kabangisan ng rehimeng kinakaharap natin.
“Salamat sa tulong Teh. “
Send me an email at [email protected]
Visit and Like the Kuwento page on Facebook.
On Twitter @boyingpimentel
Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING