Ganito sana ang maging kuwento ni Carlo Yulo | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Ganito sana ang maging kuwento ni Carlo Yulo

/ 01:12 AM October 22, 2019

Gymnastics gold medalist Carlo Yulo. AFP PHOTO

Wala pang bente anyos si Carlo Yulo, pero alam na niya ang isang mahalagang aral.  Kung gusto mong magtagumpay, kung gustong maabot sa isang pangarap, mahalaga ang tiyaga, disiplina at puspusang pagpupursigi.

At natutunan niya ito noong syete anyos pa lang siya.

Seven years old lang si Yulo noong nagsimulang mag-training sa gymnastics. Noong naintindihan niya na pag hindi ka mag-training ng maige, malamang hindi ka magtatagumpay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“2009 po noong Palarong Tacloban, ako po ay natalo dahil po hindi ako nagtrainig maige,” sabi niya sa isang interbyu sa Rappler noong 2012, noong dose anyos pa lang si Yulo.

“Noongbumalibk po ako dito at nagtraining nang nagtraining noong 2011 sa Zamboanga nanalo po ako, kampiyon.”

Sana maging Olympic champion ang batang ito. Sana iyon ang susunod na yugto ng kuwento niya.

ADVERTISEMENT

Malinaw namang pinagsisikapan niya ito. Mga lima hanggang anim na oras bawat linggo nagte-training si Yulo, sabi ng coach niya, si Munehiro Kugemiya ng Japan.

Ang mukhang mahusay sa gabay si Kugemiya, si Coach Mune, gaya ng tawag ni Yulo.

Sana magtagumpay silang pareho.

ADVERTISEMENT

Siyempre, nagbago bigla ang mundo ni Carlo Yulo. Sikat siya bigla. Isang bayani ng sambayanang Pilipino.

May suportang natanggap mula kay Manny Pangilinan, na malaking tulong sa kanya at pamilya niya. At siyempre, nagsulputan na ang mga pulitiko, ang mga trapong gustong  sumakay sa pagsikat ni Yulo. Lumitaw na ang fist bump photo op kasama si Duterte at mga alipores nito.

Hindi malinaw kung ano ang mga paniniwala ni Yulo sa pulitiko — o kung meron man. Sa isang banda, hindi ito mahalaga para sa isang kabataang marami nang mahahalagang aral ang natutunan.

Ang mahalaga ngayon ay ang manalo siya sa darating na Olympics. At sana sa susunod pa sa 2024.

At sana makaiwas siya sa mga abala, sa mga gusto lang makadilhensya sa bago niyang pagsikat.

Ayos lang ang photo op kasama ng presidenteng naging inspirasyon ng malawakang patayan at mga alipores niyang umangat dahil mahusay sumipsip sa presidenteng nag udyok sa malawakang pamamaslang nga mamamayang Pilipino. Mapapalampas na nating mga sukang suka sa pambabalusabas ni Duterte sa sambayanang Pilipino.

Pero wag sana magpadala si Yulo sa mga magnananais na gamitin lang siya.

Sana tutok lang siya sa natutunan niya simula noong nagsanay siyang maging gymast noong siyete anyos lang iya.

At sa patuloy niyang pag sikat, at sanay patuloy na pagyaman bunga ng galing niya gymnastics, gamitin niya sana mga biyaya ng pinaghirahap niya para turuan at tulungan ang iba mga kabataang Pilipino na matutunan ang halaga ng tiyaga, disiplina at puspusang pagpupursigi.

Sanay sundin niya ang halimbawa ni Coach Mune. Sa ganoon, patuloy siyang magiging bayani.

Visit the Kuwento page on Facebook.

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: gymnastics, sports
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.