Bilib talaga kay Duterte ang Partido Komunista ng Tsina | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Bilib talaga kay Duterte ang Partido Komunista ng Tsina

/ 01:52 AM July 30, 2019

President Rodrigo Duterte with President Xi Jinping. AP PHOTO

Kahit ano pang sabihin tungkol  sa SONA ni Duterte — na kusang binugaw niya ang mga babae ng Boracay at binalewala ang paghihikahos ng mga taga-Marawi — ito ang sigurado: Patok na patok ang speech ni Digong sa Partido Komunista ng Tsina.

Bilib talaga sa presidente ng Pilipinas ang mga may hawak ng kapangyarihan sa Tsina.

Sa isang editorial ng Global Times, isang kilalang tabloid ng Partido Komunista ng Tsina, tinawag si Duterteng “peaceful,” “cooperative” at “restrained.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tanong ng editorial: “Why did Duterte persist in acting in a peaceful, cooperative and restrained way in the South China Sea despite some domestic criticism and US instigation?”

Ang sagot: “Because Duterte has realized that putting disputes aside and seeking cooperation with China brings most benefits to his country. Through cooperative development, China and the Philippines are making an effort to ease tensions in the region and explore a new path of regional cooperation.”

Pag baklasin natin ang editorial, ito talaga ang gustong sabihin ng Partido Komunista ng Tsina: ‘Namputsa, talagang hawak natin sa leeg itong presidente sa Pilipinas. Kahit anong iutos natin, susundin nito. Hindi na natin kailangang sindakin. Siya na ang sumisindak sa sarili niya.’

ADVERTISEMENT

Sabay may patama pa ang Partido Komunista ng Tsina sa Vietnam, Indonesia at Malaysia, ang mga bansang ayaw magpabutangero sa iba, mga gobyernong ayaw magpasindak.

“Some countries concerned, even countries outside the region, are very sensitive about China’s movements in the South China Sea. These countries over-interpret China’s decisions, accuse China of ‘bullying,’ and even sow dissension among countries in the region to benefit from it.”

Bakit hindi sila gumaya kay Digong? tanong ng Partido Komunista ng Tsina. Bakita hindi sila sumunod sa halimbawa ni Duterte na sinabing: “When China claimed the entire ocean as theirs, eh wala akong magawa, wala tayong magawa eh ‘yan ang gusto niya.”

ADVERTISEMENT

Iyan ang tunay na kapitbahay, sabi ng Partido Komunista ng Tsina. Ganyan ang tunay ng kaalyado.

Masunurin. Mapagbigay. Hind pumapalag. Walang angal.

Visit the Kuwento page on Facebook

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

MORE STORIES
Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: International relations, Philippines-China relations, Rodrigo Duterte, South China Sea
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.