Umamin din: ‘Ang kasalanan ko lang’ | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Umamin din: ‘Ang kasalanan ko lang’

/ 11:18 PM September 28, 2018

INQUIRER FILE

“Ang kasalanan ko lang ‘yung mga extrajudicial killing,” sabi ni Duterte.

Umamin na sa wakas.

“Ang kasalanan ko lang ‘yung extrajudicial killing.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inamin sa wakas na may kasalanan siya.

Mayastang siga pa rin si Digong: “Ako I will talk to a political exercise now. What are your sins? Ako? Sabi ko nga sa military, ano kasalanan ko? Nagnakaw ba ako diyan ni piso? Did I prosecute somebody na pinakulong ko?

Pero tinanggap na rin ni presidente ang papel niya sa isang karumaldumal na krimen.

ADVERTISEMENT

“Ang kasalanan ko lang ‘yung mga extrajudicial killing.”

Umamin sa wakas na kasama sa pinangangalandakan niyang anti-drug campaign ang walang awang pambubutangero at pamamaslang sa mga inosenteng mamamayan. Umamin sa wakas na kasama sa kampanya kuno sa ilegal na droga ang extrajudicial killing, ang EJK.

Umamin na sa wakas ng inspirasyon ng malawakan at madugong patayan.

ADVERTISEMENT

“Ang kasalanan ko lang ‘yung extrajudicial killing.”

INQUIRER FILE

‘Kasalanan ko lang.’ ‘Kasalanan lang.’ ‘Lang.’ Bakit ‘lang?’

Sa napakaraming bintang — ‘yong korupsyon, ‘yong  pambubutangero sa mga kalaban, ‘yong pang-aabuso sa kapangyarihan, ‘yun lang aaminin mo?

Paano yong pambabastos sa mga babae, gaya noong ginawang biro ang pangre-rape sa Davao?

Paano ‘yong pambabastos mo sa mga sundalong Pilipinona sinabihan mong okay lang na mang-rape: “Trabaho lang kayo. Ako na bahala. Ako na magpakulong sa inyo. Kapag naka-rape ka ng tatlo, aminin ko na akin ‘yun.”

Paano ‘yong panlalait sa naghihikahos na dyipni driver: “Putangina magtiis kayo sa hirap at gutom!”

Pero siguro isa isang hakbang lang ang kaya ni Digong. Isa isang kasalanan lang ang kayang aminin. Sana.

“Ang kasalanan ko lang ‘yung extrajudicial killing.”

Malay natin baka simula na ito. Baka natatauhan din ang inspirasyon ng Patayang Duterte na sobra sobra na ang pagpaslang sa mga mahihirap na Pilipino, na sobra sobra na ang pagdanak ng dugo.

Visit the Kuwento page on Facebook.

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

MORE STORIES
Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: Boying Pimentel, extrajudicial killings, human rights, Rodrigo Duterte
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.