Bababuyin ni Bongbong ang bayang Pilipinas | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Bababuyin ni Bongbong ang bayang Pilipinas

Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.: Masamang balita. INQUIRER FILE

Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.: Masamang balita. INQUIRER FILE

Kahit anong gawin ng mga Marcos, hindi nila mabubura ang katotohanan. Hindi nila matatabunan ang nakaraan. Hindi nila mababago at mababaluktot ang kasaysayan.

Gaano kadami man ang pera mula sa yamang dinugas nila sa bayan ang ibuhos sa panloloko at panlilinlang, lalabas at lalabas din ang katotohanan.

Binaboy at binalasubas ni Ferdinand Marcos ang Pilipinas noong dalawang dekadang nasa poder siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nilapastangan ang dangal ng sambayanang Pilipino.

Nagpasimuno ng garpalang pagnanakaw.

Namuno sa walang-hiyang pambubutangero.

ADVERTISEMENT

Nagsimula at nagpa-udo ng walang-awang paggamit ng dahas, ng torture, ng hamletting, ng water cure, ng panggagahasa sa mga mamamayang naglakas loob na tumutol sa kanyang rehimen.

Mas naging malinaw at mas naging matingkad na ang katotohanang ito. At kaya mas lumalakas ang mga pwersang humaharap sa kawalanghiyaan ng mga Marcos, ang kilusang kulay rosas ni Leni Robredo at Kiko Pangilinan.

At sino ang kinakalaban nila?

ADVERTISEMENT

Isang kandidatong niyayakap, pinagmamalaki, pinagyayabang ang kasaysayan ng diktador na tinaguriang isa sa pinaka corrupt na lider sa kasaysayan.

Isang kandidatong walang pakundangan sa pagsisinungaling. Biruin ninyong ang Oxford University na nga mismo ang nagsabi hindi siya nagtapos doon, pinagpipilitan pa ring graduate siya ng unibersidad.

Isang kandidatong patuloy at walang hiyang pinagtatanggol ang pandurugas at ang pambabalasubas sa sambayanang Pilipino sa ilalim ng isang diktador.

Isang kandidatong walang paggalang sa mamamayang Pilipino, na inaakala niya’y kayang kayang bilhin at lokohin, kayang kayang bolahin tungkol sa totoong nangyari noong panahon ng diktador.

Ang darating na eleksyon ay malaking pagsubok para sa sambayanang Pilipino. Pagpipilian ang dalawang kandidatong napakatingkad ang pagkakaiba.

Sa isang banda, isang kandidatong naging bahagi ng pwersang nambababoy ng dangal at kasaysayan ng Pilipinas.

At sa kabila, isang kandidatong naging simbolo ng pamumunong marangal at matiyaga, isang lider na lubos ang paggalang sa mga adhikain at pangangailangan ng karaniwang Pilipino.

Kinabukasan ng bayan ang nakasalang sa darating na eleksyon. At naipakita na ng maraming Pilipino sa malalaking pagtitipong kulay rosas ang kanilang pagasa at pagtitiwala sa pamumuno ng isang lider na itataguyod ang kapakanan ng sambayanan.

Dahil napakalinaw na pag hindi si Leni Robredo ang magwagi, hindi ganoon ang mangyayari.

Binababoy ni Bongbong ang sambayanang Pilipino. At mas lalo pang bababuyin kung malagay siya sa poder.

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

MORE STORIES
Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: Philippine politics
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.