Duterte: Hulog ng langit para sa Partido Komunista ng Tsina | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Duterte: Hulog ng langit para sa Partido Komunista ng Tsina

Chinese President Xi Jinping (right) shakes hands with Philippines President Rodrigo Duterte prior to their bilateral meeting at the Belt and Road Forum in Beijing, China, on May 15, 2017. PHOTO: REUTER

Chinese President Xi Jinping (right) shakes hands with Philippines President Rodrigo Duterte prior to their bilateral meeting at the Belt and Road Forum in Beijing, China, on May 15, 2017. PHOTO: REUTER

Sa kasaysayan ng Pilipinas, talagang lubos na naiiba si Rodrigo Duterte.

Biruin ninyong dinudugas na ng Partido Komunista ng Tsina ang mga isang katapat lang ng Palawan ay nagpapahayag pa ang pangulo ng Pilipinas nang taos pusong pasasalamat.

Biruin ninyong binubutangero na ng mga militar ng Partido Komunista ng Tsina ang naghihikahos na mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea, ay walang hangganan pa ang pagmamahal ng presidente sa Malakanyang sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Biruin ninyong niyuyurakan na ng Partido Komunista ng Tsina ang dangal ng mga Pilipino sa sarili nilang bansa ay napakatindi pa rin, napakalalim ng pagmamahal niya sa Partido Komunista ng Tsina.

“Meron tayong utang na loob na marami, pati iyong bakuna natin,” sabi ni Tatay Digong.

Talagang naka-jackpot ang Partido Komunista ng Tsina sa pangulo ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT

Napakabait. Napaka galang. Napaka mapagpakumbaba sa Paritdo Komunista ng Tsina. Isang ulirang kaibigan ng mga siga sa Beijing.

Talagang sobra sobra ang swerte ng Partido Komunista ng Tsina sa pangulo ng Pilipinas.

Kung ibang bansa, maski nga ang santo Papa, aba malulutong na mura ang pinapamudmod ni Digong. Kung mga naghihikahos na mga Pilipino na umangal nang kahit konti sa matinding paghihirap sa gitna ng pandemya, mumurahin niya at mamaliitin pa, at ipagmamalaki pa ang sarap ng buhay niya sa gitna ng krisis: “Kami dito, we’re enjoying the times of our lives.”

ADVERTISEMENT

Pero sa Partido Komunista ng Tsina, wala kundi papuri. Wala kundi pagsamba. Walang hanggang pagsamba at pagmamahal.

Para sa Partido Komunista ng Tsina, isang tapat, isa siyang maaasahang kaibigan at kaalyado.

Hindi sila bibiguin. Hindi sila tatalikuran. Hindi sila tatanggihan. Laging ipaglalaban ang mga interes ng Partido Komunista ng Tsina. Laging itataguyod ang mga adhikain ng mga namumuno sa Beijing.

Hindi raw niya gusto ang digmaan. Hindi raw niya gusto ang gulo. Hindi niya gustong galitin ang mga namumuno sa Beijing, ang mga panginoon sa Partido Komunista ng Tsina.

Isa siyang tapat na alyado. Isa siyang matatag na kaibigan ng Partido Komunista ng Tsina. Isang walang kupas na tagasunod sa mga panginoon ng Beijing.

Talagang napakaswerte ng Partido Komunista ng Tsina kay Rodrigo Duterte.

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: Chinese, maritime tension, Rodrigo Duterte
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.