VP Leni, bakit ninyo kasi pinipikon si Duterte! (satire) | Inquirer
 
 
 
 
 
 

VP Leni, bakit ninyo kasi pinipikon si Duterte! (satire)

/ 10:37 AM March 04, 2021

INQUIRER FILE

Dear Ma’am,

Ano ba talaga ang gusto ninyong mangyari! Kita ninyong hirap na hirap na nga si Tatay Digong, pinapahirapan ninyo pa!

Ayan na nga, binulyawan na kayo ni Presidente: “‘Yan ang mahirap sa’yo eh, you want to be relevant.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Oo nga naman, ma’am. Ano ba ang gusto ninyong patunayan, ha! Hindi na uso yang releban- releban. Makisama naman kayo! Gayahin ninyo naman ang mga namumuno sa panahon ni Tatay Digong!

Maging inutil naman kayo!

Sabi pa ni Presidente: “And you know, sometimes you make an idiotic stance, ‘yong mga gano’n na ‘they deserve the best.’  Anak ka ng— bakit ako, I would give them the worst?”

ADVERTISEMENT

Oo nga naman, ma’am. Anak ng tipaklong naman, ma’am, ano ba yang deserb da bes, deserb da bes na yan. E ito nga nagkakamatayan na ang mga Pilipino dahil ala tayong bakuna, ginagatungan ninyo pa! Patulong tulong pa kayo! Kung anu-ano pa ang mga pinagsasabi ninyo na kelangan tulungan ang mga naghihikahos, ang mga nasalanta ng pandemyang ito!

Anak ng tokwa naman, ma’am! E di ma-hurt naman ang feelings ni Tatay Digong niyan! Dapat wag ninyo na lang pansinin ang mga nagkakamatayang mga Pilipino. Dapat tahimik na lang kayo!

Ma’am Leni naman, napapahiya si Presidente, kasi kitang kita naman ng lahat na wala siyang silbe! Ito nga handa nang isabak at isakripisyo ang mga nurse natin para lang magkabakuna tayo. Biruin ninyo naman ang tapang ng apog ng pamumunong makagagawa noon! Alang katapat ma’am. Sa panahon lang nga balasubas at walang hiyang pangulo mangyayari yon!

ADVERTISEMENT

Kaya makisama na kayo, ma’am! Maging balasubas na rin kayo! Maging walang hiya na rin kayo!

O ayan birada pa ni Pesidente Duterte: “Mamatay ka na, hindi ko iwanan ‘yong mga frontliner, and you do not need really to be redundant about it.”

Anak ng tinapay, ma’am! Napakabigat na Ingles pa ang ginamit para banatan kayo! Redandan na raw kayo ma’am! Alang kuwenta! Alang silbe!

Kaya tama na yang mga astang matinong bise presidente, ma’am. Simunod na lang kayo sa ‘alang kalatoy latoy na presidnete!

Mas matindi yon ma’am! Mas madaling dalhin! Mas may pakinabang pa!

Visit the Kuwento page on Facebook

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

MORE STORIES
Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: Leni Robredo, Philippine politics, Rodrigo Duterte
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.