Ang mahigpit na yakap ni Nanay Sonya | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Ang mahigpit na yakap ni Nanay Sonya

/ 11:06 AM December 22, 2020

Sonya Gregorio hugs her son to restrain him just before police officer Jonel Nuezca (above) shot them in the head. SCREENSHOT

Sonya Gregorio hugs her son to restrain him just before police officer Jonel Nuezca (above) shot them in the head. SCREENSHOT

Malinaw kay Nanay Sonya nag kailangan niyang gawin. Malinaw na kailangan  niyang yakapin ang anak niyang si Frank. Malinaw na kailangang hindi niya ito bitawan. Kailangang mahigpit ang hawak niya sa kanya …  dahil pag hindi ginawa niya iyon, malamang mapahamak ang anak niya.

Pag bumitaw siya, maaaring saktan, bugbugin si Frank. Pag kumalas siya, maaaring patayin ang anak niya.

Kaya hindi bumitaw si Nanay Sonya. Yumakap lang sa anak niya, determinado, sa harap ng isang butangero, na ipagtanggol ito. Yumakap lang, kumapit lang, hindi bumibitaw. Hindi siya isinusuko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagsimula ang buhay ni Frank na hawak din ni Nanay Sonya, inaaruga, inaalagaan, sinisiguradong ligtas. At sa video ng karumaldumal na krimen sa isang barangay sa Tarlac, hindi nag-atubili si Nanay Sonya na gawin muli ang lahat ng makakaya niya para protektahan ang anak niya sa harap ng halimaw na gustong manakit sa kanya.

At dahil doon, walang awang pinatay si Nanay Sonya.

Binaril sa ulo habang nakayakap sa anak niya. Noon lang napabitaw si Nanay Sonya. Ano kaya ang naisip at naramdaman ni Frank noong biglang kumalas sa kanya ng nanay niya? May panahon pa kaya siyang mag isip at makaramdam ng galit at pagkamuhi dahil sa bilis ng pagbaril din sa kanya ng butangero?

ADVERTISEMENT

Nakahandusay na si Nanay Sonya, walang kalaban laban, hindi na makapalag, hindi na nakayakap — pero pinaputukan pa nang isa.

Sa panahon ng isang butangerong presidente, naging garapal ang mga buntangero sa kapulisan at ibang may kapangyarihan.

Sa panahon ng isang balasubas na pangulo, ng pinunong nag udyok ng malawakang patayan, na walang pakundangan kung mambastos ng mga mahihirap, na sinasabihan pa ang mga may kapangyarihan na okay lang na abusuhin ang kanilang kapangyarihan — dumarami ang binabalasubas tulad nina Nanay Sonya at anak niyang si Frank.

ADVERTISEMENT

Sa panahon ng sangganong pinuno, naglalabasan at mas nagkakalakas ng loob ang mga sanggano sa kapulisan, sa militar, sa gobyerno.

Mapapamura ka talaga sa ginawa kina Nanay Sonya at anak niyang si Frank. Walang saysay na karahasan. Walang awang pambubutangero.

Hindi sila makakapag diwang ng Pasko. Hindi na makakapiling ang kanilang mga minamahal sa buhay.

Pero kahit paano gunitain natin at parangalan ang katapangan, at kagitingan ni Nanay Sonya, ng isang inang hindi bumitaw, hindi pumayag na kunin at saktan ng halimaw ang sarili niyang anak.

Visit the Kuwento page on Facebook

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: fatal shooting, impunity, murder, police abuse
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.