Oras nang ipakita na di sina Trump at Duterte ang ating gabay  | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Oras nang ipakita na di sina Trump at Duterte ang ating gabay 

/ 10:18 AM October 12, 2020

Philippines President Rodrigo Duterte, left, shakes hands with U.S. President Donald Trump during an ASEAN Summit, in Manila, Philippines, Nov. 13, 2017. AP

Philippines President Rodrigo Duterte, left, shakes hands with U.S. President Donald Trump during an ASEAN Summit, in Manila, Philippines, Nov. 13, 2017. AP

May sakit si Trump. Ang presidenteng binalewala ang pandemya, na paulit ulit na dinuduro ang mga doktor at alagad ng siyensya, na walang tigil na nagpasabog ng mga kasinungalingan — siya mismo ang nasalanta ng Covid.

Sari sari ang mga reasksyon. May panunudyo mula sa mga kalaban ni Trump, na siya namang ikinagagalit ng mga tagahanga niya.

Pero ito ang malinaw: magandang pagkakataon ito para ipakita na sa kabila ng mga pambabalewala sa mga naapektuhan ng pandemya, ng mga kasinungalingan, hindi natin guro si Trump, hindi natin siya tutularan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Masasabi rin ito tungkol kay Duterte, ang kaibigan at kaalyado ni presidente ng Estados Unidos na ganoon ganoon lang kung mambastos ng sinumang kumakalaban sa kanyh, na ganoon ganoon lang kung balewalain ang hirap na dinaranas ng mga karaniwang Pilipino sa gitna ng matinding krisis.

Sinabahin na ni Duterte ang mga Pilipino sa Estado Unidos na si Trump ang dapat iboto nila, ang kaibigan niya, ang kaalyado, at kabaro sa napakaraming paraan.

Nabalitang may karamdaman din si Duterte. Kaya angkop din sa kanya ang mahalagang aral sa karamdaman ni Trump.

ADVERTISEMENT

Hindi natin dapat maging gabay sina Trump at Duterte. Hindi sila ang magtuturo sa atin kung paano harapin ang matinding krisis na nauuwi sa kamatayan ng napakaraming tao, lalo na ang mga mahihirap. Hindi sila ang magtuturo sa atin kung paano ituring ang kapwa.

Hindi tayo magisinungaling na okay lang ang lahat, na mawawalang parang bula ang virus, bagamat alam na nating hindi ito totoo, na padating ang isang napakaseryosong bagyo. Hindi natin gagawin ang ginawa ni Trump.

Hindi natin gagawing parang biru biro ang pandemya, at sasabihing, ‘Tanginang virus iyan, Saan ba nakatira iyan?’ Hindi natin tutularan si Duterte.

ADVERTISEMENT

Sa mga nasalanta ng Covid, sa mga nawalan ng trabaho at hanapbuhay, sa mga nagdudurusa sa matinding krisis na lumamon sa buong mundo — magpapakita tayo ng pakikiisa, pakikidalamhati sa mga namatayan, sa mga may sakit, sa mga nawawalan na ng pagasa.

Hindi natin sila mumurahin tulad ni Duterte: “Gamitin mong utak mo! Putangina kasimple!”

Hindi natin sila lolokohin at bobolahin, lalo na pag natamaan din ng Covid at makatanggap ng pinakamahusay na pag-aaruga at mga gamot sa mundo tulad ni Trump: “Don’t be afraid of Covid. Don’t let it dominate your life.”

Hindi natin gagayahin ang mga pinunong walang puso.

Visit the Kuwento page on Facebook

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: covid, Rodrigo Duterte
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.