Ganito dapat ang lider sa panahon ng coronavirus | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Ganito dapat ang lider sa panahon ng coronavirus

/ 08:04 AM March 17, 2020

Rep. Katie Porter (D-Calif.). AP PHOTO

Damay tayo lahat sa crisis na ito. At minsan nakakasawa na ngang pagtuunan ng pansin ang kapalpakan ng mga namumuno sa panahong sinasalanta ng coronavirus ang buong daigdig.

Tutukan naman natin ang mga taong may pag unawa at may pakialam sa mga karaniwang taong matatamaan ng lumalalang krisis.

Alam kong maraming Pilipinong mababanggit dito. Pero hayaan ninyong pagtuunan ko nang pansin ang isang Amerikano, isang congresswoman mula sa California.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Katie Porter ang pangalan niya, galing sa isang distrito ng California na laging kumakampi sa mga Republican. Nahalal siya noong 2018, unang Democrat na ma-elect sa distritong yon mula pa noong 1950s. Nagsawa na ang mga residente ng distrito sa pamumuno ni Trump.

Isang propesor si Porter. Hindi pulitiko. Pero sa Washington, naging malinaw agad ang tinik niya.

Bilang konggresista, maaari niyang dalirutin ang mga pinagsasabi ng kahit sinong testigo — mga bigatin, mga opisyal. At dahil masinop siyang magtanong at masipag mag aaral, madalas tumtitiklop at nalalantad ang mga kasinungalingan at kabulastagan ng mga may kapangyarihan.

ADVERTISEMENT

At coronavirus krisis, naging matingkad at mahalaga ang husay ni Katie Porter. Mapapanood ninyo dito ang husay niya.

Ang isa sa pinakamalaking isyu sa Amerika ay ang gastos sa health care, sa pagpapagamot. At sa panahon ng coronavirus, ito ang mga pinakamatinding tanong:

Magkano ang bayad?

ADVERTISEMENT

Paano kung wala kang health insurance tulad ng napakaraming mga Amerikano?

Paano kung wala kang pambayad sa test at sa pagpapagaling?

Sa hearing sa US Congress, datos ang hinarap ni Porter, hindi lang talumpati at batikos.

“Para sa taong walang insurance, magkano ang gagastusin para magpatest?” tanong niya sa isang testigo mula sa gobyerno.

Kinompute na ni Porter ang sagot: $1,331.

Sa panahong maraming mga tao ang walang trabaho o mawawalan ng trabaho dahil sa krisis, napakalaking halaga nito.

Kaya deretsahan na ang tanong ni Porter sa pinuno ng Center for Disease Control and Prevention, o CDC, ng US, na inappoint ni Trump.

“Dr. Redfield, gusto ninyo bang malaman kung sino ang nahawaan ng coronavrius at sino ang hindi? Hindi lang mayayaman, pero lahat ng taong maaaring may virus na?” tanong ni Porter.

At tinutkoy ni Porter na ayon sa batas, kung merong malakihang krisis, isa malakihang pandemic, may kakayanan ang CDC na gawing libre ang mga tests at pagpapagaling.

Pero parang hindi alam ito ng CDC director — o baka kaya ayaw aminin, dahil kung libre nga naman para sa lahat, lalo na sa mga karaniwang tao, sino ang magbabayad ng mga tests at pagpapagaling? Paano na ang kita ng mga malalaking korporasyong gumagawa ng mga tests at gamot?

Kumkabig si Redfield: Dapat daw ay pag-aaralan ang isyu, titignan pa ng gobyero.

Pero hindi siya tinigilan ni Porter. Hindi pinalusot.

Dahil napakalinaw naman na, bukod sa tama lang na lahat ng tao dapat ma-test at mabigyan ng karapat-dapat na tulong, napakalinaw din na maski ang batas sinasabi ito.

At dahil sa pagpupursige ni Porter, napilitang tumiklop ang sugo ni Trump, na matagal nang nagpakita na kampi sa mga malalaking korporasyson, sa mga mayayaman.

Oo, daw sabi ng pinuno ng CDC, magiging libre para sa lahat ang mga test at pagpapagaling,

“Excellent,” sabi ni Porter. “Lahat sa Amerika, narinig ninyo na ang bawat isa pwedeng magpa-test kahit wala kayong health insurance. … Huwag ninyong palalain ang krisis na ito dahil lang hindi ninyong kayang magbayad ng insurance.”

May isang TV producer na sa sobrang bilib kay Porter sinabi sa Twitter: “Ilang buhay ang naligtas ni Katie Porter sa araw na ito, dahil sa kanyang bullshit detector, at kakayahang magfocus sa isyu?”

Ganyang ang mga lider na kelangan natin sa Amerika at sa Pilipinas sa panahong ito.

Visit the Kuwento page on Facebook.

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: Philippine government, politics
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.