Gobyernong sinungaling | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Gobyernong sinungaling

/ 01:58 AM June 15, 2017

Philippine Justice Secretary Vitaliano Aguirre II. INQUIRER FILE

Seryoso ang sitwasyon sa Mindanao. Maraming namamatay na sundalo at mga mamamayan. Hindi malinaw kung paano masusugpo ang mga terorista. Laksa laksang hirap ang pinagdaraanan ng Marawi.

Pero anong ginawa ng Justice Secretary ng republika?

Nang-imbento ng kuwento tungkol sa mga miyembro ng gobyerno at oposisyon na pinagbintangan niyang sangkot sa kaguluhan. Tapos noong nabistong kabulastugan ang pinagsasabi, nag-imbento ng palusot at sinisi ang media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paano na lang ang sambayanang Pilipino kung sinungaling ang isang mataas na pinuno ng gobyerno?

Paano na lang ang mga sundalong nasabak sa labanan, silang naatasang ipagtanggol ang sambayanan sa mga pwersang malulupit?

Binastos na nga sila ng pangulo ng republika, na sinabing sige lang, laban lang kayo, at kung gusto ninyong mang-rape, okay lang sa kin, sagot ko kayo.

ADVERTISEMENT

Tapos ngayon, isa pang opisyal na dapat sana ay nagbibigay ng gabay sa pakikipaglaban at sa kung paano makakamit ang tagumpay, puro pamumulitika ang pinagkaka-abalahan.

Humirit sa pambobola, manlilinlang sa panahong napakahalaga ng katotohanan at katapatan. At kahit nalantad agad ang kawalanghiyaan ng pagsisinungaling, naglakas loob pang ipilit ang mas garapal na kasinungalingan tungkol sa sinabi niya.

“Only that the media didn’t mention [my] repeated precautions that [I have] yet to fully verify the truth of the reported incident,” sabi ni Vitaliano Aguirre.

ADVERTISEMENT

Isipin natin ang sundalong nasabak sa labanan. Ang daming mga tanong kung paano nagsimula ang labanan. Hindi lubos na malinaw kung paano nakaposisyon ang mga terorista sa syudad ng Marawi.

Gobyerno sana dapat ang magbibigay ng linaw, ang makakahanap at makakapag alay ng mga sagot para matulungan sila sa pag unawa sa kaaway na kinakaharap nila.

Aanhin nila ang kasinungalingan? Paano sila matutulungan ng walanghiyang pambobola?

Seryosong usapan ang digmaan sa Mindanao. Pero anong naririning ng mga sundalong nasa gitna ng digmaan. Pambabastos sa kanilang dangal mula sa pangulo. Pagsisinungaling mula sa punong tagataguyod ng batas sa bansa.

Visit the Kuwento page on Facebook.

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: fake news, martial law, opinion
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.