Pag sinasabing popular si Duterte, naaalala ko ang retratong ito | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Pag sinasabing popular si Duterte, naaalala ko ang retratong ito

/ 11:49 PM August 20, 2019

August Landmesser, in the circle, in this 1936 photo of a Nazi rally. WIKIMEDIA

Libung libong patay, karamihan mga mahihirap na Pilipino. Garapalang pambabastos sa kababaihan, sa mga naniniwala sa Diyos, sa mga manggagawa. Lantaran kung kumampi sa Partido Komunista ng Tsina sa harap ng pambabalusabas sa mga karaniwang mangingisdang Pilipino.

Pero popular si Duterte. Maraming bilib. Mahal ng marami.

Paano nangyari yon? Saan ka nakakita ng ganoon?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasaysayan ng tao, maraming beses na. Nangyari noong panahon ni Marcos. Nangyari noong panahon ni Stalin sa Russia, sa panahon ni Mao sa Tsina.

At noong panahon ni Adolf Hitler sa Germany.

At pag sinasabi nila, pag pinagmamalaking popular si Duterte, naaalala ko si Hitler, ang diktador na si Duterte mismo ang nagsabing gusto niyang tularan. “Hitler massacred three million Jews. Now there is three million, there’s three million drug addicts. There are. I’d be happy to slaughter them.”

ADVERTISEMENT

At naaalala ko ang retrato sa taas.

Kinuha ito noong 1936 sa isang Nazi rally sa German. Makikita ang mga Germans na naka “sieg heil” salute para sa diktador. Sikat na sikat noon si Hitler. Parang walang hangganan ang kapangyarihan niya. Parang walang mangangahas kumalaban sa kanya.

Maliban sa isang tao. At makikita siya sa retrato. Parang wala sa lugar. Parang naligaw.

ADVERTISEMENT

Habang lahat ng mga tao sa larawan ay naka pro-Hitler salute, siya lang ang hindi. Siya ang ayaw sumaludo sa diktador. Siya ang ayaw makisama.

Sino siya?

Si August Landmesser. Ang totoo naging miyembro siya ng Nazi Party. Kaso umibig si Landmesser sa isang Hudyo, si Irma Eckler. Nagkaroon sila ng anak na babae.

Nanindigan si Landmesser, nagpakita ng tapang sa panahong konti lang ang nangangahas na kalabanin si Hitler, sa panahong bihira ang tumutol sa lantarang pagpatay sa mga Hudyo at isa ba pang mga minoridad.

Mali si Digong. Anim na milyon — hindi tatlong milyon —  ang pinatay ng mga Nazi noong digmaan.

Pero sapul na sapul niya ang astang Hitler. Napakadali lang pumatay.  “Hitler massacred three million Jews. Now there is three million, there’s three million drug addicts. There are. I’d be happy to slaughter them.”

Noong panahon ni Hitler, hindi biro ang tumutol at kumalaban sa diktador at sa mga taong ganoon ganoon lang ang pagsamba sa kanya — pati na kina Landmesser at Eckler na ang naging “kasalanan” lang ay ibigin ang isa’t isa.

Sinipa si Landmesser sa Nazi Party. Si Eckler naman ay dinampot ng Gestapo, ang secret police ng mga Nazi. Pinatapon siya sa isang concentration camp kung saan namatay siya. Kinulong din si Landmesser. Noong pakawalan siya, pinilit siyang sumali sa army ng Germany at pagtapos noon ay sinabing nawala na lang.

Nabuhay ang anak nina Landmesser at Eckler na si Irene. Siya ang nakakilala sa tatay niya sa isang retrato na nilathala sa pahayagang Die Zeit noong 1991.

Noong 2012, lumitaw muli ang retrato sa isang Facebook page na ginawa para tulungan ang mga biktima ng earthquake at tsunami sa Japan.

Ang caption sa Facebook page: “Ordinary people. The courage to say no.”

“Mga karaniwang tao. Ang katapangan at lakas nang loob na sabihing: ‘Tama na!”

Pag sinasabi nilang popular si Duterte, naaalala ko siya, si August Landmesser, karaniwang mamamayan na naging sikat sa Internet dahil ayaw niyang sumaludo, ayaw makisama, ayaw magpadala sa kahibangan.

Visit the Kuwento page on Facebook

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: August Landmesser, Hitler, Nazis, Philippine politics, Rodrigo Duterte
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.