Takot na takot si Duterte kay Maria Ressa | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Takot na takot si Duterte kay Maria Ressa

/ 05:03 AM March 30, 2019

Galit si Duterte sa mga babae. Walang paggalang. Ganoon ganoon lang kung bastusin. Ganoon ganoon lang insultuhin. Lantaran pa ngang sinasabing okay lang na bastusin sila.

Pero pag pumapalag ang isang babae, lumalabas ang totoo: takot si Duterte sa babaeng nagpapakita ng tatag, tapang at paninindigan.

Tulad ni Maria Ressa.

INQUIRER FILE

Iyong ibang mga peryodista, o iyong ibang mga kaalyado ni Duterte, yong mga pa-macho at pa-siga-siga, matagal nang umatras kung naharap sila sa mga hambalos na natamo ni Ressa kay Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Biruin ninyong ilang ulit nang ikulong. Ilang ulit nang sampahan ng kaso. Ilang ulit nang pinagbantaan ng mga alipores ni Duterte, ng mga tagahanga niyang walang tigil ang pambabastos sa isang manunulat na kilala nang isa sa pinaka matapang na peryodista sa buong mundo.

Biruin ninyong yong mga supporter ni Duterte garapalan kung bastusin si Ressa. “Mamatay ka sana! Ma-rape ka sana!”

Pero tuloy lang ang journalists na tinaguriang “Person of the Year” ng Time Magazine.

ADVERTISEMENT

Pero teka, si Digong din naman pinarangalan din.

Naging Person of the Year din si Duterte — in Organized Crime  and Corruption ayon saOrganized Crime and Corruption Reporting Project.

“Duterte has made a mockery of rule of law in his country,” sabi ng director ng organisasyong ito sa Ingles: (“Binaboy ni Duterte ang batas ng Pilipinas. Binaboy ni Duterte and Pilipinas.”)

ADVERTISEMENT

Pero pag nakatapat ang mga hindi umaatras sa pambubutangero niya, pag nakasagupa ang isang peryodistang walang pag aatubili sa pagbulgar sa mga kabulastugan ng pamumuno niya, sa mga patayan, sa korupsyon, sa mga kasinungalingan, atras si Duterte.

Hindi kayang lumaban ng patas. Kelangang gumimik.

Tang-ina, hulihin iyan. Tang-ina, ipakulong iyan. Padating sa airport? E harangin agad. Ikulong!

Ang problema, walang takot ang katapat ni Digong. Tuloy pa rin ang pagpapahayag. Tuloy pa rin ang paglalantad ng mga patayan, sa mga pang aabuso, sa kawalanghiyaan.

Kaya hindi na rin nakakagulat  na takot na takot si Duterte kay Maria Ressa.

Takot na takot sa hindi aatras sa pambubutangero niya, sa nagpapakita nang tapang sa harap ng isang duwag.

Takot na takot sa hindi natatakot sa kanya.

Visit the Kuwento page on Facebook.

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

Don't miss out on the latest news and information.
TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.