Pag nagdadamo si Duterte | Inquirer
 
 
 
 
 
 

Pag nagdadamo si Duterte

10:13 PM December 05, 2018

Ngayon alam na natin: Nagdadamo si Duterte. “Nagmamarijuana ako e para magising,” sabi ni Digong.

Wala naman dapat problema sa paggamit ng marijuana sa panahong ito. Dati, pag nagdadamo ka, adik na agad ang tawag sa iyo. Dati, pag nagmamarijuana ka, kriminal na ang turing sa iyo. Tingin sa iyo isang walang kwentang tao.

Iba na ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ligal na ang marijuana sa maraming lugar, pati na sa U.S. Tanggap na ang marijuana bilang gamot sa sari-saring kapansanan. Tinuturing nang parang alak o sigarilyo ang marijuana. Okay lang gamitin basta hindi sobra at batay sa mga mahihigpit na regulasyon.

Ang masama, pag sobra. Nagiging sabog ka. Nawawala sa sarili. Nagiging bangag.

Sabi ni Duterte biro lang daw iyong pag amin niya na nagdadamo siya: “That’s my style, it’s too late to change…If I want to joke, I will joke. Kung maniwala kayo, gago kayo.”

ADVERTISEMENT

Gago kami? Biro lang? Parang hindi.

Ulitin natin: pag nasobrahan sa marijuana ang isang tao, nagiging sabog. Nawawala sa sarili. Nagiging bangag. At pag makapangyarihan ka na naging bangag, patay.

Pag nasobrahan ka sa hithit, malamang mas madali mong babalewalain ang buhay at karapatan ng mga mamamayan. Mas madali mong sasabihin: ‘Patayin na lang yang lahat ng mga adik. Alang ebidensya? E ano ngayon. Tama na yang human rights, human rights. Bale wala na yang due process, due process.’

ADVERTISEMENT

Pag napadalas ang pagsindi mo ng chongki, mas madali para iyo ang murahin ang mga dyipni drayber na naghihikahos: “Mahirap kayo? Putangina magtiis kayo sa hirap at gutom! Wala akong pakialam!”

Mas madali mo ring mabubulyawan ang isang opisyal ng United Nations: “Huwag niya akong takutin. Putang ina niya.” O kahit sino pa.

Pag banat ka lang nang banat ng joots, mas madali kang makapagbibiro na noong ginahasa ng mga preso ang isang misyonaryong Australyana, dapat ikaw ang nauna.

Pag sabog na sabog ka na, mas magagawa mong sabihan ang mga sundalong sasabak sa giyera: “Trabaho lang kayo. Ako na bahala. Ako na magpakulong sa inyo. Kapag naka-rape ka ng tatlo, aminin ko na akin ‘yun.”

At pag nakatira ka nang husto, at gising na gising ka na, walang problema para sa iyo ang mag press conference nang alas tres nang umaga para bumanat nang todo todo sa mga umaatake sa human rights record mo — kahit ala nang senseang mga pinagsasabi mo:

“I took A.B. Foreign Service. Check it out with Lyceum. … Political Science … I had an accident .. motor accident … Na late ako ng isang semester. So I took foreign service, consular practice and procedures, geopolitics, world trade, international trade … Baka kala ninyo… Putang ina. Mga ulol. … Kayo ‘yong bugok hindi ako.”

Sabi ni Duterte: “Nagmamarijuana ako e para magising.”

Ito ang magandang balita: para sa mas dumaraming mga Pilipino, hindi na kailangang magdamo para magising.

Visit the Kuwento page on Facebook

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: addiction, Boying Pimentel, extrajudicial killings, narcotics, Rodrigo Duterte
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.