Makakatulong ba ang AI sa mga mahihirap? Makakatulong ba ang AI sa mga mahihirap?
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Makakatulong ba ang AI sa mga mahihirap?

/ 10:30 AM April 14, 2023

Sa ilang syudad sa Estados Unidos, pinag-aaralan na ang paggamit ng machine learning at data analytics para mas epektibong matulungan ang mga naghihikahos. REUTERS IMAGE

Sa ilang syudad sa Estados Unidos, pinag-aaralan na ang paggamit ng machine learning at data analytics para mas epektibong matulungan ang mga naghihikahos. REUTERS IMAGE

Sa kabila ng mga takot at pangamba sa paggamit ng AI sa panlilinlang at pagpapalaganap ng fake news, at sa mga kampanyang nagtutulak sa interes ng iilan, napatunayan din na magagamit din ang teknolohiyang ito sa paglutas sa mga suliraning panlipunan.

Isa na rito ang kawalan ng pamamahay, o homelessness, na isang lumalalang problema sa Amerika.

Sa ilang syudad sa Estados Unidos, pinag-aaralan na ang paggamit ng machine learning at data analytics para mas epektibong matulungan ang mga naghihikahos upang hindi sila tuluyang mawalan ng bahay,

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isang halimbawa ang ginagawa sa Los Angeles, isang malaking kalunsuran na may malaking populasyon ng mga taong naghihikahos, marami sa kanila nawalan na ng tirahan.

Sa Los Angeles County, sinimulan ang isang programang nakabatay sa AI technology na binuo ng isang nonprofit group na nakabase sa University of California.

Nakabatay ang programa sa prinsipyong mas mabuti at mas maige kung tulungan ang isang tao o pamilyang malapit nang mawalan ng bahay dahil sa kagipitan sa buhay kaysa matapos na mawalan na sila ng pamamahay. Prevention ang tutok.

ADVERTISEMENT

Ang hamon ay ang pagtukoy kung sinong mga naghihikahos na mamamayan ang dapat unahin. Sino dapat ang unang lapitan upang magpaabot ng tulong.

Ang karaniwang ginagawa sa sistemang matagal nang umiiral ay umaasa sa mga referral ang mga social service agencies. Kailangang may magabot ng impormasyon sa mga ahensya at sa mga social workers na may kailangan ng tulong. O di kaya e iyong mga indibidwal at pamilya mismo ang dapat lumapit sa mga social service agencies na kailangan nila ng tulong. Referral system tawag dito, isang mahalagang sistema, subalit hindi naaabot at natutukoy ang mga may malalim na pangangailangan.

Hindi natutukoy ang mga pamilyang nawalan na ng trabaho ang isang magulang, o kaya ay nababaon na utang dahil sa mga gastos sa ospital, o kaya ay nagkakaroon ng problema sa kalusugan — at dahil sa mga ito ay hindi na makakabayad ng upa sa bahay. Maaaring may mga taong nasa ganitong sitwasyon na alam kung ano ang gagawin, at alam na merong mga mapaghihingan ng tulong.

ADVERTISEMENT

Subalit marami ring hindi alam ang gagawin. At nahuhulog na lang sa sitwasyong mapapatalsik na sila sa apartment at magiging homeless.

Ito ang pinagtuunan ng pansin ng programa sa Los Angeles County. Marami sa mga taong naghihikahos ay gumagamit ng mga serbisyo at tumatanggap ng mga tulong sa Los Angeles County. Meron sa kanilang tumatanggap ng food stamps. Merong tumatanggap ng mga libreng pagpapagamot or kaya ay mental health counselling. At merong nabilanggo na para sa maraming uri ng offenses.

Ibig sabihin, merong impormasyon at mga datos tungkol sa kanila sa network ng Los Angeles County. Sa tulong ng AI, mabilis nahuhukay at napoproseso ang mga ito upang mabilis na tukuyin kung sino ang mukhang namimiligro dahil sa sakit at kahit ano pang mga problema. At sa tulong ng AI, mabilis na napapaabot ang impormasyong ito sa mga case workers ng Los Angeles County.

Kasisimula pa lang ng programa noong 2021 kaya limitado pa ang datos tungko dito. Subalit merong datos na nagpapakitang ng pagigin epektibo nito. Karamihan sa mga natulungan ng programa ay nananatili sa kanilang pamamahay matapos ang isang taon.

Hindi malulutas ng AI ang lahat ng problema sa lipunan. At totoong maraming dapat pag-aralan dito.

Subalit ng isang propesor sa University of Southern California na tumulong sa progama ng LA County, hindi dapat katakutan ang AI. “Isa itong kasangkapan. Pag nasa kamay ng responsable tao at makakagawa ng mga responsableng bagay. At pag nasa kamay ng mga iresponsable tao at magagamit sa mga iresponsableng paraan. It is a tool like other tools. Tools placed in responsible hands, do responsible things and tools placed in irresponsible hands to do irresponsible things.”

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

MORE STORIES
Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: artificial intelligence
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.