Pag-aalsa laban sa AI Pag-aalsa laban sa AI
 
 
 
 
 
 
kuwnto

Pag-aalsa laban sa AI

/ 11:18 AM April 06, 2023

Masyadong mabilis ang pagsulong ng AI, ng mga bagong software na may kakayanang lumikha ng kahit anong bagay. REUTERS IMAGE

Masyadong mabilis ang pagsulong ng AI, ng mga bagong software na may kakayanang lumikha ng kahit anong bagay. REUTERS IMAGE

Limang buwan na ang nakalipas mula noong inilunsad ang ChatGPT. At mas tumitindi na ang reaksyon laban sa bagong henerasyon ng AI.

Lampas isang libong mga pinuno at eksperto sa teknolohiya ang nanawagang pansamantalang itigil ang pag develop ng mga bago at mas makapangyarihang version ng AI.

Masyadong mabilis ang pagsulong ng AI, ng mga bagong software na may kakayanang lumikha ng kahit anong bagay — mga tula, mga sanaysay, mga litrato, mga illustrations — na parang nilikha ng isang tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi handa ang lipunan sa ganitong mabilisang pag usad ng isang teknolohiya na napakalaki nang maaaring epekto sa lipunan, sa buong mundo — isang teknolohiyang hindi pa lubos nauunawaan ang kapangyarihan.

Sa mga paaralan, nag aalala na ang mga edukador sa paggamit ng ChatGPT ng mga estudyante para gawin sa kanilang trabaho.

Sa larangan ng sining, nagsampa ng kaso ang mga artists laban sa mga kompanyang gumagamit ng AI para lumikha para sa kanilang mga customers ng mga art work na nakabatay o gumagamit ng mga elemento ng kanilang mga likha. Kontrobersyal ang bakbakan sa larangang ito. Pag nadigitize na ba ang isang likha, at ginamit ang mga pira pirasong elemento para maghain ng bagong likha, pangongopya ba ito, o lehitimong paggamit ng sining?

ADVERTISEMENT

At may matinding bakbakan sa larangan ng cybersecurity. Ilang araw lang matapos ang paglunsad ng ChatGPT, sinimulan nang pag aralan ng mga hacker kung paano magagamit ang teknolohiya para sa krimen — kahit silang wala masyadong training o alam sa AI o teknolohiya.

Marami nang nagbanggit sa panganib na mas madali at mabilis ang pagpapalaganap ng kasinungalingan, misinformation at fake news sa tulong ng AI. Subalit may iba pang panganib ayon sa ibang experts. Hindi lang malawakang panlilinlang ang maaaring maging problema. Naroon din ang problema ng pakikipag-ugnay at pakikipag-usap sa AI ng isang indibidwal na hindi alam na AI pala ang kausap.

Malinaw nang maaaring gamitin ang AI para sa pagbebenta ng kahit anong produkto o serbisyo — o para mangampanya para sa isang pulitiko o ideolohiya. At maaaring dumating ang panahon na magamit ng mga kompanya o partido ang AI para sa kahit anong kampanya. At malamang mas maging mas mabisa ang AI kaysa mga salesman o mga lobbyist dahil may kakayahan itong mag adjust ng mabilisan sa taong pinag-sisikapang kumbinsihin. Maaaring dumating ang panahon na magkaroon ng mga sistema na mabilis malalaman at mapoproseso ang background ng isang indibidwal at makakaadjust ng mga taktika sa gitna ng isang kumbersasyon upang mas mabisa ang pangungumbinsi.

ADVERTISEMENT

Dahil sa mga takot na ito, nagsampa naman ng kaso ang isang nonprofit research group sa Washington DC sa Federal Trade Commission laban sa kompanyang naglunsad ng ChatGPT. Binatikos ng Center for Artificial Intelligence and Digital Policy ang panganib na maaaring idulot ng patuloy na pag unlad ng ChatGPT at ng ibang makabagong anyo ng AI.

Subalit, maraming hindi naniniwalang maaari pang hadlangan ang mabilis na pagsulong ng AI. Malamang ay hindi pumayag ang mga kompanyang malaki na ang investment sa AI na itigil ang kanilang ginagawa. Napakalaking kita ang nakasalalay sa bakbakan sa bagong larangang ito ng teknolohiya. At malamang walang gustong bumitaw o magpalamang sa iba.

Gaya ng sabi sa akin ng isang eksperto: “You can’t fight the wind. Hindi mo kayang labanan ang hangin.”

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

MORE STORIES
Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: artificial intelligence
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.