Aliw at takot sa panahon ng AI | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Aliw at takot sa panahon ng AI

/ 10:26 AM March 06, 2023

Artificial intelligence. REUTERS IMAGE

Artificial intelligence. REUTERS IMAGE

Pumutok ang ChatGPT ang noong Nobyembre. At di pa natatapos ang pagsabog nito. Ito ang pinaka popular at matagumpay na paglulunsad ng chatbot.

Nakakaaliw na nakakatakot. Kayang lumikha ng tula, college essays, business plans. Kayang gawin ang kahit anong magagawa ng isang tao.

At dahil nga dito nakakatakot din at nakakabahala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bahagi ito ng bagong wave ng AI, o artificial intelligence. Generative AI ang tawag. Teknolohiyang may kakayahang lumikha tulad ng paglikha ng karaniwang tao.

Paano ito naabot?

Noong 1940s pa inaambisyon ng mga technologists ang maabot ang artificial intelligence. Subalit noong taong 2000 lang nagkaroon ng malinaw na daan para makamit ang malalakit hakbang sa teknolohiya para maabot ang mas matataas na larangan ng AI.

ADVERTISEMENT

Ang AI kasi nakabatay sa software technology na mas naging sophisticated nitong nakaraang dalawang dekada. Nakabatay din ito sa kakayahang mangolekta at magproseso ng malalaking koleksyon ng datos.

Ang isang approach na naging popular sa teknolohiya ng Google ay ang machine learning. Ito ang kakayahan ng programa na ma-pinpoint ang mga patterns. Nakatulong ito sa pag automate ng mga ginagamit ng teknolohiya sa negosyo at gobyerno.

May mas makapangyarihang approach na lumitaw: ang deep learning.

ADVERTISEMENT

Nakabatay ang deep learning sa software na mayroong mga artificial neural networks na nagagaya kung paano umandar ang utak ng isang tao upang sumagot sa mga tanong na kumplikado or kaya ay makapaglikha ng maraming bagay — sulat, sanaysay, tula, painting or video.

Bukod sa mas sophisticated na software, naging susi rin ang advances sa computer hardware.

Isa sa pinaka importanteng bahagi ng computing technology ay ang microprocessor.

Patuloy ang pag-develop nang mas makapangyarihang microchip at ang pag usbong ng mas malakas na microprocessors para iproseso ang sangkatutak na datos sa mga mas kumplikadong software algorithms.

Isang mabilis na naging malinaw ay ang pagiging mabisa ng mga microchips na ginagamit para sa video games at para sa mga special effects sa mga Hollywood blockbusters tulad ng mga Marvel movies.

Mas sophisticated na software. Mas malawak na kakayahang mangolekta at mag prosesos ng mga datos. Mas makapangyarihang mga microchips.

Ito ang mga developments na nagtulak sa bagong pagsibol ng AI.

Nasanay na tayo sa paggamit ng Google search engine sa paghahanap ng impormasyon, sa maggamit ng Alexa o Siri para sa pagkuha ng direksyon o ng gabay or para utusan silang patugtugin ang mga paboritong kanta.

Sa pagdating ng ChatGPT, may bago mga kakayahang lumantad sa teknolohiya ng AI.

Nakakamangha ang pagkalat ng chatbot at nakakabilib ang mga bagong magagawa sa tulong ng AI — mga college essays na gawa ng computer, mga tula at liham, mga art work na likha ng isang makina.

Napakaraming posibilidad. Napakarami ring dapat alalahanin. At balak kong talakayin ang pareho sa mga susunod na kolum.

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

MORE STORIES
Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: artificial intelligence
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.