At patuloy ang pandemya | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

At patuloy ang pandemya

/ 10:10 AM September 27, 2021

Filipinos waiting for vaccine shots in Metro Manila. INQUIRER

People waiting for vaccine shots in Metro Manila. INQUIRER

Umasa ang marami na patapos na sana, o tapos na, ang krisis na ito pagdating ng Pasko.

Pero hindi.

Sa Pilipinas, mga 18,000 araw-araw ang narereport na kaso, lampas isang daan ang namamatay, ayon sa datos na nalathala sa New York Times.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa Estados Unidos, kung saan umasa ang marami na magbabalik na sa dati ang buhay simula July 4, dumami muli ang nagkakasakit at namamatay.

Lampas 120,000 ang nagkaka COVID, mga 2,000 ang namamatay. Noong Mayo, bumagsak na ito sa mga isang daan lang.

Marami nang nasabi tungkol sa isang mahalagang dahilan sa muling pagbulusok ng COVID: ang pagpasya ng maraming magpabakuna dahil sa takot at pagaalala, dahil sa mga pananakot ng mga taong nalinlang ng iba, o nanlilinlang ng kapwa.

ADVERTISEMENT

Masalimuot na usapan ito lalo na sa Amerika. Pero dapat magpasalamat sa mga balita na mukhang may pagbabago kahit paano — na nakikita na ng maraming dati’y tumatanggi sa siyensya at nagpapadala sa mga panlilinlang at kasinungalingan tungkol sa bakuna ang pangangailangan nito para tuluyang matapos ang pandemya.

Bakunado kaming lahat sa pamilya ko. Pero nakakabahala pa rin ang pagbulusok ng COVID, ang patuloy na pagdami ng mga kaso at ng mga namamatay lalo na sa katimugan ng Amerika.

Bakunado kami lahat pero alam kong meron pa ring panganib habang ang malaking bahagi ng Amerika at ng buong mundo ay hindi pa bakunado dahil ayaw ng marami o dahil hindi sapat ang programa para gawin ito lalo na sa mga mas maliit na bansa na minsay mga naghihikahos dahil sa maraming dahilan. Kasama na dito ang Pilipinas.

ADVERTISEMENT

Dahil ang COVID ay pandaigdigang suliranin. At malinaw na kailangan nito ang isang pandaigdigang solusyon. Hindi puwedeng ang mga mayayamang bansa lang ang magkakaroon ng pagkakataong mabakunahan upang masugpo ang pandemya.

Dahil sa kung mayroong isang sulok ng mundo na sinasalanta pa rin ng pandemya, magpapatuloy ang paglaganap ng virus, magkakaroon pa rin itong lumago, kumalat at maghasik ng kamatayan. Magpapatuloy itong maging panganib na may matinding kakayahang pumatay.

At may mga haka-haka na maaaring pangmatagalan pa ang pakikibaka natin sa COVID, na problema itong maraming taon ang kailangan para tuluyang masugpo.

Lagi kong naiisip ang kinabukasan ng mga anak ko at ng mga kabataan sa panahong mukhang kailangan nilang humarap sa kinabukasan na puno ng panganib.

Isa na ang COVID at ang tilang walang tigil na variant na sumusulpot dito. Nariyan din ang climate change, ang mabagsik na mga pagbabago sa panahon sa mundo na nagdudulot na ng matitinding apoy sa California, baha sa New York at Germany, at maraming pang trahedya sa ibang parte ng daigdig pati na ang Pilipinas.

At nariyan ang patuloy na pagsulong ng mga pinunong butangero at sinungaling, mga pinunong walang pakialam sa pakialam sa kapakanan ng karaniwang tao, na walang pakundangan sa pagpapasabog ng mga kasinungalingan tungkol sa virus na sumasalanta sa buong mundo.

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: covid, pandemic
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.