Facebook at si Pnoy | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Facebook at si Pnoy

Pres. Benigno Pnoy Aquino III's Facebook page.

Pres. Benigno Pnoy Aquino III’s Facebook page. SCREENSHOT

Paslit pa lang ang Facebook noong naging presidente si Noynoy Aquino. Anim na taong gulang lang noong nagsimula ang pamumuno niya, isang social network na kinagigiliwan ng marami, lalo na sa Pilipinas.

May mga nakakaaliw na post. May mga kaibigang nagkikita muli matapos ang maraming taon. May mga masayang kwentuhan at alaskahan.

And hindi agad naging malinaw noon ay kung paano titibagin ng FB ang demokrasya sa Pilipinas, ang kakayanan ng mga mamamayang Pilipino na magkaroon ng bukas, matalino, makabuluhang palitan ng mga ideya at argumento nang walang pambabastos, walang garapalang pagsisinungaling.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maraming nagawa si Noynoy Aquino na malalim nang napag usapan pagkatapos ng pagpanaw niya. At marami ring mga pagkakamali at kahinaan na dapat ding talakayin.

Subalit ang isang hindi masyadong napagtuunan ng pansin ang papel ng FB sa kanyang pamumuno at sa kinabukasan ng demokrasya sa Pilipinas.

Mga dalawang taon pa lang si poder si Pnoy noong nag eksperimento ang FB na noo’y nagnanais na mas mapabilis ang paglawak sa buong mundo.

ADVERTISEMENT

Nagin mas agresibo dapat ang pag-expand nito sa bawat sulok ng mundo — pati na sa Pilipinas. Handa pa nga itong sagutin ang gastos sa data at network.

“Facebook Used the Philippines to Test Free Internet. Then a Dictator Was Elected.” Ito ang title ng artikulo sa New York Magazine noong 2018. Tungkol ito sa diskarte ng Facebook para mas bumilis ang paglawak sa bansa. Nagbigay ito ng libreng Internet access sa mga mobile phones para sa mga gustong gumamit ng Facebook. “Free Facebook” ang tawag sa programa.

Maganda siyempre ito, subalit dahil dito bumulusok ang bagong hamon na naging salot sa pulitikang Pilipino: ang fake news.

ADVERTISEMENT

Naging napakadali ang magpasabog ng kasinungalingan at mga baluktot na pahayag. Naging target nito si Pnoy at mga kaalyado niya.

May mga lehitimong puna sa pamamalakad niya noong mga huling taon ng administrasyon niya. Pero sa halip na malalim at responsableng diskusyon, nangibabaw ang garapalang kasinungalingan at eksaheradong banat ng mga ibang pwersa lalo na ang kaalyado ni Duterte.

Kumabig din ang Facebook nitong mga nakaraang taon. Ang Pilipinas ang isa sa mga bansang pinagtuunan nito ng pansin sa kampanyang masugpo ang mga nagpapakalat ng fake news.

Pero noong nangyari iyon, wala na sa poder si Pnoy. Iba na ang presidente, isang presidenpangulong naging inspirasyon ng malawakang patayan, isang pinunong naging kilala sa garapalang kabulastugan at kawalanghiyaan.

Hindi nga nakakagulat ang reaksyon ni Duterte noong bumanat na ang Facebook sa mga fake news sites na malaking tulong sa pagsikat niya.

“Duterte Lashes Out at Facebook After It Takes Down Fake Accounts,” sabi ng headline ng New York Times.

“I allow you to operate here,” sabi ni Duterte. “You cannot bar or prevent me from espousing the objectives of government. Is there life after Facebook? I don’t know. But we need to talk.”

Sikat pa rin si Digong sa Facebook sa kabila ng kampanya laban sa fake news. Naging uso pa nga ang pag angkin ng mga pwersa ni Duterte sa mga proyekto ni Pnoy. Patuloy ang fake news.

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: Facebook, Philippine politics, social media
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.