VP Leni, hindi mo kayang maabot si Duterte! (Satire) | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

VP Leni, hindi mo kayang maabot si Duterte! (Satire)

VP Leni and Pres. Digong. INQUIRER File

VP Leni and Pres. Digong. INQUIRER File

Dear Ma’am Leni,

Ang hirap sa inyo, kala ninyo porket trabaho kayo nang trabaho para sa mga mamamayang Pilipino e kaya ninyo nang maabot si Duterte.

Anak ng tinapay naman, ma’am. Hinding hindi ninyo matatapatan si Tatay Digong! Hinding hindi ninyo maaabot ang antas ni presidente!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tignan natin ang mga bagong diskarteng Duterte, ma’am…

Biruin ninyong malinaw namang sinabi niya noong 2016 campaign na sasakay siya ng jet ski para harapin at kalabanin ang pananakop ng Tsina sa West Philippine Sea — aba biglang kabig ngayon na hindi naman niya sinabi iyon, na nagbibiro lang naman siya, na joke lang iyon!

Anak ng tinapay, kaya ninyo bang tapatan ang tapang ng apog ng ganoong klaseng pinuno, ma’am? Kaya ninyo bang makipagsabayan sa isang taong harap harapang inaamin sa sambayanang Pilipino na nambobola lang siya noong eleksyon!

ADVERTISEMENT

Yan ang lider na talagang matapang ang apog ma’am! Iyan ang presidenteng hindi tinatablan ng hiya!

“Panahon ng kampanya ‘yan,” sabi ni Duterte. “’Yung biro na yung, we call it bravado. ‘Yung bravado ko was pure campaign joke and kung naniniwala kayo sa kabila, I would say that you are really stupid.”

Hanep talaga si Tatay Digong, ma’am! Biruin ninyo stupid daw kaming mga naniwala sa yabang niya. Tindi pa ng ingles ni presidente: “bravado!” Yong bistadong nanloloko, bravado iyon, ma’am! Ang tindi!

ADVERTISEMENT

Kaya ninyo ba yon, VP Leni?

Kaya ninyo bang sabihin na nanloloko lang naman kayo, na hindi ninyo naman balak tuparin ang mga sinabi ninyong balak ninyong gawin noong eleksyon, na nangagantso lang pala kayo?

Kaya ninyong humirit na may gagawin kayo — tapos biglang banat na: E mga stupid kayo, naniwala kayo sa sinabi ko!

Hindi ninyo kaya iyon, ma’am! Hindi ninyo kaya ang pagiging sinungaling ni Tatay Digong! Hindi ninyo kayang tapatan ang pagiging balasubas niya!

Hindi kayang tapatan ang kawalang hiyaan ni Presidente Duterte!

Ang hirap sa inyo, ma’aam, masyado ninyong sininseryoso ang pagiging nahalal na pinuno ng Pilipinas! Masyado ninyong dinidibdib ang paglilingkod sa sambayanang Pilipino, lalo na ngayong maraming naghihikahos dahil sa pandemya, lalo na ngayong maraming nagkakasakit, nagugutom at namamatay.

Kita ninyo si Duterte, cool lang!

“Kami dito, we’re enjoying the times of our lives,” sabi ni Tatay Digong.

Anak ng tokwa, ma’am, ang bagsik talaga ni Tatay Digong!

Biruin ninyong ang dami nang namamatay na Pilipino, ang dami nang nagkakasakit, ang dami nang nagdurusa, e “enjoying the times of our lives” pa rin si presidente, enjoy pa rin si Tatay Digong, ang sarap pa rin ang buhay niya!

Anak ng inaamag na tinapay, ma’am, iyan ang tunay na presidente! Iyan ang tunay na lider! Iyan ang presidenteng talagang paniniwalaan ng mga Pilipinong naniniwala sa lider na alang pakialam sa kanila!

Hanep talaga, ma’am! Hebigat talaga!

Kaya wag na kayong umasa, ma’am, na matatapatan ninyo ang kawalang hiyaan ni Tatay Digong! E kung anu ano pa ang inaatupag ninyo, patulong tulong pa kayo sa mga nasalanta ng pandemya, sa mga nawalan ng hanap buhay, sa mga namatayan dahil sa walang awang kampanyang inilunsad ni presidente!

Itigil ninyo na yan ma’am! Wag na kayong umasa na maabot ninyo ang antas ni Rodrigo Duterte … sa pagiging balasubas..

Sa pagiging walang hiya…

Sa kawalan ng pakialam sa paghihirap ng mga Pilipino ..

Sa pagiging todo-todong balasubas..

Hindi ninyo kaya iyon, VP Leni! Hindi kayo ganoon …

Truly yours,

Isang DDS

Visit the Kuwento page on Facebook

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

MORE STORIES
Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: Philippine politics, Rodrigo Duterte
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.