Ang marangal na Pilipino sa panahon ni Duterte | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Ang marangal na Pilipino sa panahon ni Duterte

/ 10:49 AM April 20, 2021

Ang pila sa Maginhawa Community Pantry. INQUIRER

Ang pila sa Maginhawa Community Pantry. INQUIRER

Sa wakas, magandang balita batay sa napakasimple at napaka-marangal na prinsipyo: Magbigay ayon sa kakayahan. Kumuha batay sa pangangailangan

Nakatataba ng puso, nakapagdudulot ng pagasa na sa kabila ng kahirapan at ng pandemya, kakayanin at pagsisikapan ng mga Pilipino na itaguyod ang pagiging disente at marangal.

Sino ang hindi mapapahanga sa nangyayari, sa pagsulpot ng mga “community pantry”? Sa mga komunidad sa buong bansa, nagdala ang mga mamamayan ng mga sobrang pagkain, gamot at iba pang bagay para ipamahagi sa mga nangangailangan na maaaring tumanggap ng tulong nang walang pag aalinlangan o pag aalala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lahat bahagi ng komunidad. Walang minamaliit. Walang nagmamalaki. Walang mga pulitikong gustong magpapogi. Hindi gimmick o pakwela ng mga pulitikong naghahanap ng boto o papuri, ng mga taong walang respeto sa mamamayan.

Nagsimula sa Maginhawa Street sa Teachers Village sa Quezon City at mabilis na kumalat sa Sikatuna Village, Sampaloc. At umabot pa nga ng Bayombong, Nueva Vizcaya.

“Hindi siya masu-sustain kung ako lang mag-isa,” sabi ni Ana Patricia Non na isa sa mga namuno sa Maginhawa Street sa isang nalathalang interbyu. “Community effort siya. Kung sakaling may mapapadaan. Magtutulungan talaga tayo, Mabu-burnout talaga. Pero kung buong community, hindi imposible hangga’t may nangangailangan.”

ADVERTISEMENT

At kumakalat ang ganitong pananaw sa harap ng laksa laksang hirap, ng walang katapat na kawalanghiyaan at kabulastugan sa ilalim ni Rodrigo Duterte. “Kami dito, we’re enjoying the times of our lives,” sabi ni Duterte noong isang linggo, habang patuloy ang paghihikahos ng mga karaniwang Pilipino sa gitna ng pandemya at paniniil ng gobyerno niya.

Kunwari pang nagja-jogging. Naglalaro ng golf sa gitna ng gabi. Noong bertday niya, litson pa ang agahan.

Pero sa gitna ng malupit na pandemya, sa gitna ng pamumunong walang pakialam sa pagdurusa ng mga karaniwang Pilipino, sa gitna ng garapalang pandarambong, kumikilos, tumutulong, nakikiisa ang mga mamamayan para harapin ang matinding krisis.

ADVERTISEMENT

Sa gitna ng garapalang pambabastos at pambabalusabas, isang patunay na buhay at puno ang sigla, ang diwang Pilipino.

Kitang kita ng buong mundo ang larawan ng marangal na Pilipino.

Visit the Kuwento page on Facebook

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: bayanihan, pandemic
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.