VP Leni, mapikon naman kayo sa mga insultong lugaw (Satire) | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

VP Leni, mapikon naman kayo sa mga insultong lugaw (Satire)

/ 09:52 AM April 05, 2021

Si VP Leni at ang kanyang lugaw. TWITTER

Si VP Leni at ang kanyang lugaw. TWITTER

Dear Ma’m Leni,

Pambihira naman! Talagang hindi kayo marunong makisama! Todo birada na nga ang mga insultong lugaw sa inyo e walang kwenta ang mga pahayag ninyo.

Ito na nga’t minamaliit na kayo ni Epimaco e walang kalatoy latoy ang mga sagot ninyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ayoko na ‘yang pag-aksayahan ng panahon. Kasi kung ganoon, bumababa yung conversation,” sabi ninyo.

Anong klase yan ma’am! Ano ba namang hirit iyan! Magpakababa naman kayo! Mag aksaya naman kayo ng panahon! Gayahin ninyo naman ang diskarte ng tunay na namumuno sa panahon ni Duterte.

Sabi ninyo pa: “Obligasyon natin na siguraduhin — dahil ang pagsweldo sa kanila pera ng taongbayan — ‘yung ia-appoint natin maninilbihan ng maayos hindi nandiyan para sa kapangyarihan pero nandyan para pagsilbihan yung tao kahit kakampi siya sa politika o hindi.”

ADVERTISEMENT

Anak ng tinapay naman, VP Leni! E paano makaka-follow up na birada si Tatay Digong at mga alipores niya kung sobrang tino at may saysay ang mga pinagsasabi niyo! Sumagot naman kayo nang barumbado! Magmura naman kayo!

Tapos, Holy Week na Holy Week, naglalabas pa kayo ng mga detalyadong puna at mga rekomendasyon para sa paglulunsad ng isang mas epektibong kampanya laban sa pandemya para tulungan ang mga mamamayang sobra sobra na ang paghihirap na pinapasan. Ano ba naman ma’am!

Bakit hindi ninyo gayahin si Duterte! Kala ninyo ba madali ang mag photo op na kunwari simpleng almusal lang lagi sa umaga — kahit nabistong may litson pa nga siya sa agahan. Ang hirah noon ma’am, ha!

ADVERTISEMENT

Tapos, patuloy pa iyong mga pagtulong ninyo sa mga komunidad, sa mga health care workers at mga local governments na naghihikahos sa gitna ng pandemya.

Anak ng tokwa naman ma’am, alam ninyo namang napapahiya si presidente at mga alipores niya dahil diyan. Tapos pinapatingkad ninyong alang silbe ang iba sa gobyerno.

Tapos, ngayon nagkalat pa ang mga litrato at patawa tungkol sa lugaw. Nakakabanas na talaga VP Leni! E kaya nga tinawag namin kayong lugaw e para palabasing walang kuwento kayo!

Ngayon, nabaligtad na! Naging lugaw pa ang naging simbolo ng pagiging matinong opisyal ng gobyerno! Naging lugaw pa ang tanda ng isang tunay na tagapagsilbe sa bayan! Naging lugaw pa ang simbolo ng pagiging makamasa!

Ano ba naman, ma’am! Makisama naman kayo, ma’am! Maging inutil naman kayo tulad ng iba! Pagbigyan niyo naman kami!

Yours truly,

Isang DDS

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

MORE STORIES
Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: Leni Robredo, Philippine politics, Rodrigo Duterte
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.