“The Filipino people deserve better than this murderous regime,” sabi ni Leni Robredo.
Napaka-totoo.
Hindi nararapat-dapat, hindi tama, hindi dapat tanggapin na ang pamahalaan ng mga Pilipino ay isang rehimeng pumapatay, gobyernong mamamatay tao.
Simpleng pangungusap. Totoong pangungusap.
Si Rodrigo Duterte ang pinuno ng mamamatay taong gobyerno, balasubas, walanghiya, walang paggalang sa karapatan ng mga tao, walang paggalang sa buhay ng mga Pilipino.
At ngayon, sa pinakamatapang at mapangahas na proklamasyon ng kanyang pagka-bise presidente, walang takot nang ipinapahayag ni Leni Robredo ang katotohanan: Hindi dapat ganito.
Hindi dapat isang berdugong gobyerno ang namumuno sa bansa.
Hindi dapat karapat dapat para sa mga mamamayang Pilipino na ang pamahalaan nila ay walang pakundangang pinapatay ang sinumang tutol sa kabulastugan nito.
“There is no other way to describe this: It was a massacre,” sabi pa ni VP Leni. “And it came just two days after the President himself ordered state forces to ‘ignore human rights,’ kill communist rebels, and ‘finish them off,’ in his rant before the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.”
Masaker. Walang awang pagpaslang sa mga walang laban, sa mga nagtatanggol ng mga karapatang pantao ng mga Pilipino.
Ang wala nang dapat pagtalunan. Si Duterte mismo ang nag udyok sa mga berdugo na pumatay, na hindi magpakita ng kahit kaunting hiya o pag aatubili na patayin ang sinumang pinaghihinalaang kalaban niya.
“Sa panahon kung kailan patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga namamatay, nagugutom at naghihirap dahil sa pandemya, ito ang masakit na katotohanan: Patuloy ang pagpatay sa Pilipino,” tuloy ni Leni Robredo. “Maglilimang taon nang pinapatay ang mga mahihirap sa ngalan ng isang drug war.”
Limang taon na ang Patayang Duterte. Lumang balita na ang patayan sa ilalim ni Duterte. Patayan ang palakad ni Duterte. Patayan ang depinisyon ng pamumuno ni Duterte. Patayan — malawakang patayan — diyan magaling si Duterte.
“Indeed, these are difficult and dangerous times,” sabi ni Robredo. “Kaya patuloy na mag-reach out sa mga kasama, check on your friends, at palaging mag-iingat. Hindi ito ang panahon para magpatinag sa takot na pilit nilang ipinaparamdam sa atin.
“Bagkus, mas lumalakas lang ang panawagang ipakita na handa tayong magbigkis at magkapit-bisig para protektahan ang isa’t isa. Na handa tayong tumindig at magsalita hindi lang para sa ating pamilya at mga kakilala, pero para sa ating kapwa na naniniwala sa mabuting pamamahala, kalayaan, at demokrasya. Na kailangan nilang harapin ang bawat isa sa atin kung gusto nila tayong pigilan sa pagsambit ng katotohanan: The Filipino people deserve better than this murderous regime.”
Kailangang mag-ingat. Kailangang magkaisa. Kailangang magbigkis at magkapit-bisig. Kailangang tumindig at magsalita.
Dahil ang naghahari sa bansa, ang nakakapit sa kapangyarihan, ang nambubulabog sa buong kapuluan ay pwersang nakamamatay, walang awa, walang pakialam, walang paggalang sa kalayaan, sa karapatang pantao, sa kapakanan ng mga Pilipino.
Visit the Kuwento page on Facebook
Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING