Kay Kian, Danica at iba pang biktima ng Patayang Duterte | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Kay Kian, Danica at iba pang biktima ng Patayang Duterte

/ 02:05 AM August 24, 2017

INQUIRER FILE

Seventeen lang. Nag-hahanda para sa isang test. Walang kalaban laban. Pinatay ng mga butangero ng Patayang Duterte.

At pagkatapos noon, mga kasinungalingan. Kung anu-anong ibinibintang sa isang kabataan.

Walang koneksyon sa mga mayayaman at makapangyarihan si Kian delos Santos. Kaya kahit mga paratang lang, mga bintang na batay sa ebidensya na kahit yong mga lasing sa kanto e pagtatawanan, okay na. Puwede nang todasin yan, sabi ng mga sugo ng Patayang Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Malas ni Kian. Hindi siya sa Paolo Duterte, anak ng pasimuno ng Patayang Duterte. Siyempre pag anak ni meyor, merong due process. Di pwedeng basta basta galawin. May imbestigasyon dapat. May mga affidavit dapat. May balitaktakan at diskusyon sa publiko kung saan ipagtatanggol siya ng mga kaalyado ng pinuno ng Patayang Duterte.

Malas si Kian. Malas din si Danica May Garcia. Mas bata pa kay Kian. Five years old lang. Tinadtad ng bala sa Bayombong, Nueva Ecija, habang naghahandang pumasok sa eskwela.

Mahirap talagang maging estudyante sa panahon ng Patayang Duterte. Mahirap maging kabataan. Ganoon ganoon lang kung banatan ng mga ahente ng Patayang Duterte.

ADVERTISEMENT

Ganoon ang nangyari kina Roman Clifford Manaois, 20, at Rowena Tiamson, 22.

Lahat sila pinatay ng mga butangero ni Duterte noong Hulyo 2016. Isang buwan pa lang noon nakaupo sa poder si Digong. Kasisimula pa lang ang Patayang Duterte.

Mahilig talaga sa patayan si Digong.

ADVERTISEMENT

‘I’ll kill you,’ sabi ni Digong.

‘May kilala kayong adik, patayin ninyo.’

At sa mga sundalo at pulis, silang dapat nagtatanggol sa mamamayan, silang dapat nagtataguyod ng batas, alang paggalang si meyor, ang inspirasyon ng Patayang Duterte..

‘Kung gusto ninyong mang rape, sige lang. Ako bahala sa inyo. Alang baril? Aba  taniman ninyo.’

Ito ang magandang balita. Dahil sa nakakagalit na pagpaslang kay Kian delos Santos, may ilan sa mga walang pakundangang nagtatanggol sa Patayang Duterte, medyo nananahimik.

Meydo rumerenda sa pagtatanggol sa panlalapastangan ng mga mamamayan. Medyo huminahon na sa pagtatanggi sa nangyayari, sa pagbubulag-bulagan.

Siguro tinamaan na ng hiya. Siguro ala na talagang masabi sa harap ng garapalang patayan.

Nakikita ko ito sa mga kakila ko sa Facebook na masigasig na kinakampihan ang mga tagasulong ng Patayang Duterte. Time out na muna. Tahimik na muna. Hindi na muna nagsasalita.

Sa kabilang banda, malinaw na mas tumitindi ang galit ng mga matagal nang tumututol sa pambubutangero, sa pamamaslang, sa kawalang hiyaan ng Patayang Duterte.

Tama na ang pamamaslang sa mga mahihirap ng Pilipino, sinabi ng pamilya ng yumaong Pepe at Nena Diokno, mga ginagalang na tagapagtanggol ng human rights sa bansa, silang namuno sa pakikipaglaban sa diktadura. “Enough of the slaughter of mostly poor Filipinos.”

Nasa poder pa rin ang mga butangero. Nasa kapangyarihan ang mga tagasulong ng Patayang Duterte.

Pero mas dumarami na ang tumututol at handang lumaban. Mas dumarami ang nagsasabing ‘Tama na ang Patayang Duterte!’

Visit and Like the Kuwento page on Facebook

On Twitter @boyingpimentel

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

MORE STORIES
Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: extrajudicial killings, Kian delos Santos, war on drugs
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.