Pinamunuan niya ang pagtulong sa mga frontliners na humarap sa coronavirus.
Nag-organisa ng mga shuttle at mga sasakyan para dalhin sila sa mga kailangang puntahan.
Tumulong mangolekta ng pagkain at mga gamit na kailangan para sa pag-aalaga sa mga may sakit.
Mahirap ang kampanyang ito.
Pero mas ginawa pang mas mahirap ng mga taong walang pakialam sa mga gustong tulungan ng bise presidente.
Mas ginawa pang mas mabigat ng walang humpay na kasinungaligan, ng walang tigil na batikos, ng walang awat na pang-iinsulto ng mga taong malinaw ang layunin: para mabigo ang layunin ng isang opisyal na tumulong.
Ang mga kasinungalingan, ang mga pambabatikos, ang mga kawalanghiyaan nakatutok sa pagnanasa hindi lang ni Robredo kundi pati na ang maraming tumutulong sa kanya na maalalayan ang mga sumasabak sa giyera, ang mga doktor at nurse na nagtataya ng buhay upang masugpo ang coronavirus.
Malamang nga wala na tayong magagawa sa mga taong sumusuporta kay Duterte na todo todo na ang pagbatikos sa sinumang nagmamalasakit para sa mga nasasalanta ng pandemic, sa mga mayor tulad ni Vico Sotto at mga iba pang opisyal na ginagamit ang kanilang posisyon at kapangyarihan para sa mga Pilipinong pinaka natatamaan ng pandemic.
Ang magagawa na lang natin ay ilantad ang mga kasinungalingan, ang mga fake news, ang mga walang katuturang pangiinsulto sa mga opisyal na tunay na nagisilbe at tumutulong sa mga frontliner na sumasagupa sa bagyo.
Visit Kuwento page on Facebook
Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING