Pag hindi maaasahan ang lider sa panahon ng krisis | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Pag hindi maaasahan ang lider sa panahon ng krisis

/ 09:00 AM March 11, 2020

President Rodrigo Duterte. INQUIRER FILE

Sa Pilipinas, ang hirit ng presidente: “Tanginang virus na yan. Saan ba nakatira yan?”

At sa Estados Unidos, ito naman ang diskarte ng hepe: “The tests are all perfect, like the letter was perfect, the transcription was perfect.”

At nagiging malinaw na nga. Sa panahon ng krisis, balewala, walang silbe ang mga pinunong mahilig umastang siga, mahilig magpanggap na alam niya lahat, walang paggalang sa opinyon ng ibang mas maraming alam sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagiging malinaw na nga na bagamat para sa ilang tao, nakakaaliw at nakakabilib, kwela ang presidenteng mahilig manduro at mahilig gumamit na salitang kanto, hindi na biro pag iyan ang namumuno sa harap ng napakatindi at napakalaking problema.

Lampas bente na ang kaso ng coronavirus sa Pilipinas. Malamang mas marami pa dahil kulang sa testing. Si Duterte mismo ang nagbalita sa isa press conference kung saan para siyang nakikipag-kuwentuhan lang sa mga kainuman sa kanto at hindi kayang seryosohin ang isang napaka seryosong problema.

Saan ka nakarinig ng isang pinuno ng isang bansa na hihirit nang: “Tanginang virus na yan. Saan ba nakatira yan?”

ADVERTISEMENT

At malawak nang kumakalat ito, ang paliwanag ni Duterte sa napakahalagang isyu sa krisis na ito, ang pagkakaroon ng mga test kits para malaman ng mamamayan kung nahawaan na sila: “Eh the kit, is the kit, meron namang lumalabas pa  … In every epoch, maybe meron nung una, Bubonic Plague, mga gago ang tao no’n, tamang-tama lang. Tapos yung Spanish Flu, right before the wars. Kawawa yung mga tao. Pero mas kawawa yung sa Middle East. The so-called Roman Empire. You have read the Inquisition, kung may birth mark ka you are a witch and you are burned at stake.”

Ano raw?

President Donald Trump at US Centers for Disease Control. AP PHOTO

Sa Amerika naman, mas maige nang konti. Pero konti lang. Walang mura, pero pambihirang pahangin.

ADVERTISEMENT

Perfect daw lahat, sabi ni Trump. Alang problema. Lahat pwedeng itest kung nahawaan na ng virus. Kayang kaya ng gobyerno niya ang malawakang krisis na ito.

Lampas 100,00 na ang naapektuhan ng coronavirus sa buong daigdig. Lampas tatlong libo na ang namatay, karamihan sa Tsina. Lampas 90 na ang mga bansang naapektuhan, kasama ang Pilipinas at Estados Unidos.

Walang sinasantong border ang krisis.

Samantala, plakda na ang stock market na tiyak na magtutungo sa mas malalim pang krisis.

Nakatatlong economic crash na ako sa Amerika, apat kung bibilangin ang recession noong early 1990s noong dumating ako dito. At nandito ako noong pumutok ang sari saring health crisis tulad ng SARS at H1Ni.

Marami sa atin dumaan na sa mga krisis na ganito. Ang pagkakaiba ay nagkasabay ang matitinding dagok. May sakit na kumakalat at pumatay na sa maraming tao, lalo na ang mga may edad at may problema sa kalusugan.

At humambalos ang krisis na ito sa ekonomiya. Nanghina nang husto ang mga malalaking industriya (liban na lang sa mga gumagawa ng panlinis sa bahay at hand sanitizer at masks.)

Kakaiba na ang magsabay ang ganitong klaseng krisis.

At ito ang pinakamatindi at masakit na pagbabago sa mga nakaraang krisis: sa Pilipinas at sa Estados Unidos, ang mga namuno, walang pakialam at walang kwenta.

Visit the Kuwento page on Facebook.

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: coronavirus, covid, Health and Wellness
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.