Si Duterte, ang Partido Komunista ng Tsina at ang coronavirus | Inquirer
 
 
 
 
 
 

Si Duterte, ang Partido Komunista ng Tsina at ang coronavirus

/ 07:03 AM February 03, 2020

President Rodrigo Duterte and China’s President Xi Jinping. AP PHOTO

Mga karaniwang tao ang biktima ng krisis na ito. Mga karaniwang mamamayan ng Pilipinas at ng Tsina ang nasasakatan at namamatay dahil sa kabulastugan ng mga naghahari sa Beijing at sa isang presidenteng sunud sunuran sa kanila.

At oo, dapat tandaan ng mga Pilipino, na kasama sa mga nasasalanta ang mga mamamayan ng Tsina kung saan pinatahimik ng Partido Komunista ng Tsina ang mga doktor at opisyal matagal nang gustong ibunyag ang banta ng corona virus.

Kasama dito si Li Wenliang, isang doktor na binanggit ang mga nagkakasakit sa Wuhan noong Disyembre pa. Sinita siya agad ng mga opisyal ng Partido Komunista ng Tsina at pinilit na sabihing “illegal behavior” ang ginawa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Oo, sa Tsina sa ilalim ng Partido Komunista ng Tsina, iligal at bawal ang pagbunyag ng isang krisis na makakamatay sa marami.

“This was an issue of inaction,” sabi ni Yanzhong Huang ng Council on Foreign Relations.

At nakakahawa pala ang “inaction.” Nahawaan na rin ang isang bansang may mga pinunong sunud sunuran sa Partido Komunista ng Tsina.

ADVERTISEMENT

Mahirap ‘yang ano, sabihin mong you suspend everything because they are not also suspending theirs and they continue to respect the freedom flights that we enjoy,” sabi ni Duterte sa mga reporter.

Kung hindi pa naging malinaw ang panganib hindi pa susunod si Duterte at mga alipores niya sa pag-ban ng biyahe mula Tsina.

At ayun na nga, ang unang bansa sa labas ng Tsina na may namatay sa corona virus ay ang Pilipinas.

ADVERTISEMENT

Kung hindi pa ba naman maging malinaw sa lahat ng Pilipino na ang presidenteng kala mo kung sinong siga kung umasta sa Amerika at ibang bansa habang garapalan kung sumunod sa gusto ng Partido Komunista ng Tsina, na nagudyok sa isang malawakang patayan, na walanghiya kung kung mambastos ng mga mahihirap na Pilipino, mga kababaihan at sa sinumang pumuna sa kanya niya — na ang ang lider na ito ay salot na nambubusabos sa Pilipinas tulad ng virus na lumalapastangan sa buong mundo.

Visit the Kuwento page on Facebook

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: China, coronavirus, pandemic, Rodrigo Duterte
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.