Naging malinaw agad: ayaw nilang masugpo ni Leni Robredo ang iligal na droga sa Pilipinas.
Naging malinaw agad: wala namang pakialam ang mga sugo ni Duterte sa pagsugpo sa iligal na droga.
Saan ka nakakita na iyong inatasang mamuno ng kampanya e hindi pwedeng makita ang listahan ng mga pinaka- mabigat na drug lord sa bansa?
“Hindi ko maintindihan (I cannot understand) what is the list for, why is she asking all these things,” sabi ng pinuno ng ahensya laban sa iligal na droga. “Sa palagay ko hindi nararapat na kumuha ng listahan unless may rason para kunin ‘yung watchlist ng drug addicts at high-value targets. I don’t know kung ano ang reason niya.”
Ano ang “reason” niya? Eh sabi ng boss mo siya ang namumuno sa kampanya laban sa illegal drugs. Anong mahirap intindihin doon?
Di ba kailangang malaman kung sino ang mga kriminal na nagpapalaganap ng iligal na droga sa bansa? Di kalaban sila? Di ba kelangan silang sugpuin?
O mali ba iyon?
Napakalinaw na walang intensyon si Duterte na magtagumpay si Robredo. Malamang nga nabigla pa na tinanggap ng bise presidente ang alok niya.
“Lintik na Robredo ito, pumalag sa hamon ko!”
Dahil dito malaking sakripisyo ang ginawa ng Leni Robredo.
Kala nila aatrasan ang hamon ni pangulong nag udyok sa malawakang patayan. Kala nila matatakot si Robredo sa hamon ng isang kampanya na si Duterte mismo e walang kabuluhan.
Biruin ninyong matapos ang libu libong patay na Pilipino, karamihan ng mga mahihirap, inamin ni Duterte na napakahirap sugpuin ang iligal na droga. Na balewala yong pangako niya, yong mga pamacho niya.
Trending Articles
Pero si Robredo alang interes sa pa-macho. Mukha ngang alang interes sa pagiging presidente. Di na niya kelangang maging presidente para magkaroon ng silbe — para maging tunay at tapat na pinuno.
Maaaring bulabugin at guluhin ni Duterte at mga alipores niya ang pagnanasa ni Robredong matigil ang patayang, ang malupit na kampanyang sumalanta sa mga mahihirap na Pilipiono.
Pero kahit paano may magagawa si Robredo. Kahit isang buhay meron siyang maililigtas.
At patuloy na lalabas ang baho ng malupit na kampanya — na walang intensyong sugpuin ang mga kriminal.
Visit the Kuwento page on Facebook.
Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING