Martial law at usapang gago | Inquirer
 
 
 
 
 
 
commander-in-chief, commentary, Duterte martial law, Duterte speak, Kuwento, presidential rhetoric, rape joke, usapang gago

Martial law at usapang gago

Pres. Rodrigo Duterte: Joke only? INQUIRER FILE

Seryosong usapan ang martial law. Pero anong ginawa ng pangulo ng bansa? Sumabak sa usapang gago.

“Iyong mga gago ganoon magsalita.”

Ganoon pinaliwanag ni Duterte noong nakaraang taon ang pagbibiro niya noong 1989 na sana nakasali siya noong ginahasa ng mga bilanggo ang isang babaeng hostage sa Davao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Putang ina, sayang ito. … Napakaganda, dapat ang mayor muna ang mauna. Sayang,” sabi ni Duterte.

Pero usapang gago lang nga daw. Biro lang. Joke lang.

Noong nahalal siya noong nakaraang taon, mas magiging “prim and proper” na raw si Duterte. Tama na iyong mga pagbibiro tungkol sa panggagahasa. Tama na ang mga kabastusan at lenggwaheng kanto. Makakahinga na tayo ng maluwag.

ADVERTISEMENT

“I need to control my mouth. I cannot be bastos because I am representing our country. If you are the president of the country, you need to be prim and proper, almost, maging holy na ako,” sabi niya.

Pero biro din pala iyon. Joke din pala. Usapang gago.

Nagkakagulo na sa Mindanao, maraming namamatay at nasasaktan. Pero ang presidenteng prim and proper ito ang mensahe sa mga sundalong sasabak sa labanan: “Trabaho lang kayo. Ako na bahala. Ako na magpakulong sa inyo. Kapag naka-rape ka ng tatlo, aminin ko na akin ‘yun.”

ADVERTISEMENT

Gaya ng nabanggit ng marami, may isang makapag bibigay sa atin ng pag asa: mukhang walang tumawa sa mga sundalong nakikinig sa commader-in-chief.

E bakit nga naman sila matatawa? Nakakatawa ba ang malagay sa peligro sa gitna ng digmaan.

Ano kaya ang naisip ng marami sa kanila noong narinig ang presidente nilang tila hinihikayat silang lumaban — at kung gusto nila, manggahasa? Sige lang mga boys, sagot ko kayo.

‘Ano raw? Anong pinagsasabi ng pangulong itong hindi naman namin makakasama sa labanan at kung anu-anong pinagsasabi?”

‘Susugod na kami sa giyera, kalaswaan at kalibugan pang naiisip nitong taong ito?’

‘Ano’ng kala nitong taong ito sa amin? Nagsundalo ako para ipagtanggol ang mga mamamayan. Tingin niya nag-sundalo ako dahil gusto kong mang-rape?’

Para sa “heightened bravado” daw ang biro ni Duterte, sabi ng Malakanyang.

“He gave his full support to the men and women in uniform, taking complete responsibility for their actions, even exaggeratedly describing crimes,” sabi ng kawawang spokesman na kailangang ipagtanggol ang usapang gago.

“As Commander-in-Chief, he would stand by his personnel and that no one will be abandoned including the fallen.”

Seryosong usapan ang paglusob ng mga armadong terorista sa Marawi.

Seryosong usapan ang pagtatalo kung wasto nga ba ang pagdeklara ng martial law sa buong Mindanao.

Seryosong usapan ang implikasyon ng lumalawak na digmaan sa kapayapaan at kabuhayan ng buong sambayanan.

Pero paano tayo magkakaroon ng seryosong usapan? Iyong dapat mamuno ay mahilig sa usapang gago.

Vist and Like the Kuwento page on Facebook.

On Twitter @boyingpimentel

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: commentary, rape, Rodrigo Duterte
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.