Marangal na paalam ni Sister Pat | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Marangal na paalam ni Sister Pat

/ 03:09 AM November 06, 2018

Si Sister Pat, paalis na ng Pilipinas. INQUIRER

Pinagbintangan siyang pakialamera. Marami raw yakyak, binatikos at binastos ng presidenteng galit sa kanya, ng pangulong naging inspirasyon ng malawakang patayan, ng isang krimen na tinutulan ni Sister Patricia Fox.

At noong nakaraang linggo, nagpaalam na si Sister Pat, ang madreng binutangero ni Duterte at mga supporters niya, pinaalis sa bansang minahal niya nang halos tatlong dekada.

Marangal na paalam. Matapat, mula sa puso ng isang matandang madre, isang dayuhang napakalinaw ng pagmamalasakit at pagmamahal sa mga Pilipino, lalo na ang mahihirap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At nagpaalam siya sa wika ng mga taong kinampihan niya, niyakap bilang kanyang sariling pamilya.

Taga Australia si Sister Pat. Ingles ang wika niya, ang alam niya noong dumating sa Pilipinas. Malinaw kung paano siya nabago ng karanasan niya sa Pilipinas noong nagpaalam siya — sa Tagalog.

“Aalis ako malungkot pero masaya na sa 28 years ko dito maganda ang experience ang karanasan ko dito,” sabi Sister Pat. “Maraming salamat sa community ko dito.”

ADVERTISEMENT

Bago siya makapagpatuloy, may sumigaw: “Babalik ka rin.” At sinundan ng palakpakan.

“Oo,” sagot ni Sister Pat. “May panahon. Babalik talaga. One day. Salamat.”

“Maraming salamat sa lahat ng sumama sa kin sa laban,” patuloy niya “Salamat sa mga well-wishers salamat sa mga sectors.”

ADVERTISEMENT

“I’m ambivalent today. I mean I feel very sad especially when I see people and I think when will I see them again.”

Ngumiti siya pero halata ang tindi ng lungkot sa pag-aalis.

Noong isang taon, ito ang sinabi sa kanya ni Duterte, ang pinunong mahilig magbiro tungkol sa panggagahasa ng kababaihan, ang lider na nagsabing dapat siyang ituring na santo.

“Ikaw madre, why don’t you criticize your government?” sabi niya. “The way you handled refugees. Hungry and dying, and you turn them back to the open sea. You’re getting rid of the natives there, and refugees in the island. Bakit hindi ka magyakyak doon?”

“Stick to your own religion, and try to correct abuses within your organization,” sabi pa ni Digong. “To address homosexuality, and malpractices, and adulterous priests, putangina.”

Anong kinalaman ni Sister Pat sa mga walang katuturang bintang ng pasistang pangulo ng Pilipinas?

Wala.

Bakit galit na galit si Duterte kay Sister Pat? Bakit kumukulo ang dugo ni Digong sa matandang madreng Australyano, na mahilig makihalubilo sa mga mahihirap na Pilipino, na matagal na nanindigan kasama sila, na mas nag asal Pilipino sa maraming mga tinatawag na Pilipino?

Simple lang ang sagot.

Dahil tumutol si Sister Pat sa patayan,

Dahil nagsalita siya laban sa paniniil.

Dahil nanindigan siya para sa karapatan ng mga Pilipinong binubutangero ni Duterte.

Ganoon kasimple.

Visit the Kuwento page on Facebook

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: Boying Pimentel, extrajudicial killings, human rights Philippines, politics, Rodrigo Duterte, Sister Patricia Fox
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.