Ang tapang at pananalig ni Justin Jones Ang tapang at pananalig ni Justin Jones
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Ang tapang at pananalig ni Justin Jones

/ 09:14 AM April 25, 2023

Ang kabataan ni Justin Jones ay kuwento ng pagiging Pilipino at itim sa Amerika. SCREENGRAB/ABC

Ang kabataan ni Justin Jones ay kuwento ng pagiging Pilipino at itim sa Amerika. SCREENGRAB/ABC

Paminsan minsan may balitang nakakapukaw ng damdamin at nakapagbibigay ng pag asa sa kinabukasan at kasaysayan.

Isa na rito ang kuwento ng dalawang batang legislators sa Tennessee, sina Justin Jones at Justin Pearson.

Pinatalsik sila ng mga legislature na kontrolado ng mga Republicans matapos nilang manawagan laban sa lumalalang karahasan dahil sa paglaganap ng mga baril. Kasama nila ang isa pang legislator na si Gloria Johnson. Itim sina Jones at Pearson, puti si Johnson. Subalit, sina Jones and Pearson lang ang sinipa ng mga Republicans.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagtungo sa isang malaking kontrobersya at mga bintang ng racism, lalo na dahil ang dalawang itim na mambabatas lang ang inalis ng mga Republicans.

Subalit, nakabalik din ang dalawang aktibista noong bumoto ang pamunuan sa Nashville at Memphis na pabalikin ang dalawang mambabatas.

Nakakapukaw ng damdamin ang kuwento ng Justin Jones para sa mga Pilipino bunga ng isang aspeto ng kanyang political career. Pinoy si Jones na ang buong pangalan ay Justin Bautista Jones na lumaki sa Oakland, California. Itim ang tatay niya, and Pilipino ang nanay.

ADVERTISEMENT

Tinalakay sa isang napakahusay na artikulo ni Leny Mendoza Strobel sa Positively Filipino ang kuwento ni Justin Jones at ang kanyang paglalakbay bilang aktibistang masigasig na niyayakap ang kanyang kasaysayan bilang isang Black Filipino.

Si Leny ang isa sa mga tumulong kay Justin Jones para mas malaman ang kanyang pagiging Pilipino noong mas bata pa siya sa San Francisco Bay Area. At napakahalaga sa paghahanap na ito ang naging papel ng kanyang mga lola — ang lola niyang Pinay at lola niyang itim — na silang naging unang gabay sa buhay.

“My Filipina Lola Tessie and my Black Lola Harriet are my first divinity teachers, first theology teachers, first spirituality teachers,” sabi niya kay Leny.  “I realize now that the family stories they told me about their childhood in the Philippines and in Chicago and San Francisco carried their indigenous roots.”

ADVERTISEMENT

Ang kabataan niya ay kuwento ng pagiging Pilipino at itim sa Amerika. Lumaki siyang nakahiligan ang collard greens, black eyed peas at adobo. Nakinig siya sa mga kuwento ng kanyang mga ninuno, kasama na ang storya ng mga katutubong Pilipino, ang mga Aeta, tulad ng isa sa mga lolo niya.

Naging binata siya sa panahon ng kaguluhan at karahasan laban sa Black community. Nasa middle school at high school si Justin noong pinatay sina Oscar Grant at Trayvon Martin na naglunsad ng mga malalaking kilos protesta laban sa racism at pambubutangero sa mga itim.

Nagtungo si Justin sa Tennessee sa puso ng American South noong pumasok siya ng kolehiyo. Nag aral siya sa Fisk University sa Nashville, isang unibersidad na tinaguriang “Historically Black University or College.” Doon nagpatuloy at naging mas malalim ang pagiging aktibista ni Justin. Nahalal siya sa Tennessee legislature noong Nobyembre.

Malaking tagumpay ang naitala ni Justin Jones kasama ni Justin Pearson at iba pang mga namuno sa pakikibaka sa Tennessee na naging isang national at international issue.

Para sa mga Pilipino, ang kuwento niya ay pagkakataong kilalanin ang napakalawak na kasaysayan ng ating diaspora at kung paano ito lumilikha ng mga bagong naratibo, mga bagong kasaysayan.

At pagkakataon din itong balikan ang kasaysayan ng Amerika at Pilipinas.

Noong nabasa ko ang tungkol kay Justin Jones, naalala ko ang kuwento ni Evangeline Canonizado Buell na taga Bay Area. Ang lolo ni Vangie ay si Ernest Stokes, isang itim na lumaki sa Chattanooga, Tennessee, na malapit sa Nashville, ang lugar na kinatawan ni Justin Jones.

Isa siya sa mga itim na sundalong pinadala sa Pilipinas noong Philippine-American War.

“He was escaping from the prejudice (in the United States), the discrimination. He felt that going to a foreign land would be better,” sabi ni Vangie sa isang interview sa kaibigan kong si Michelle Devera Louie noong 2007.

Naging tanyag ang mga kuwento ng mga itim na sundalong nagkaroon ng simpatya sa mga Pilipinong dapat nilang sakupin.

Noong natapos ang giyera, nagpaakasal sa isang Pilipina si Stokes at lumipat sila sa California.

Gaya ng sabi ni Vangie noong 2007, “It’s important today in terms of Filipinos getting to know black Americans and (black people) getting to know the Filipinos — to know that we have had that relationship way back, a hundred years ago.”

Lampas isang daang taon na ang kuwentong ito. At nagpapatuloy ang kuwento sa tapang at pananalig ni Justin Jones.

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

MORE STORIES
Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: Filipino American politicians
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.