Maski mga kriminal bilib sa AI Maski mga kriminal bilib sa AI
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Maski mga kriminal bilib sa AI

/ 10:46 AM March 23, 2023

Isang 3D printed model ng mga operators sa harap ng binary code and word "Hacker.” REUTERS/Dado Ruvic/Illustration

Isang 3D printed model ng mga operators sa harap ng binary code and word “Hacker.” REUTERS/Dado Ruvic/Illustration

Kalalabas pa lang ng ChatGPT noong November 2022 noong napansin ng mga cybersecurity experts na merong isang grupong kaagad nakahanap ng paggagamitan ng bagong teknolohiyang naglunsad ng bagong AI craze: mga kriminal.

Kakaibang chat bot ang ChatGPT. Mas mabilis. Mas malalim at malawak ang kaalaman. Mas mabilis. Napakabilis na nakakasagot sa mga tanong at mungkahi.

Naging sikat ang chatbot bilang nakakaaliw at nakakabilib na teknolohiya para sa paglikha nang kung anu ano. Kaya nitong sagutin ang kahit anong tanong.  Puwedeng gamiting para tumula, magsulat ng kanta, gumawa ng report na parang likha ng isang totoong propesyunal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isang naging tanyag na kwento ay yong taong ginamit ang ChatGPT para gumawa ng instructions sa istilo ng Bibliyang King James para sa pagtanggal ng peanut sa isang VCR.

Pero ilang araw pa lang ang nakalipas napansin agad ng mga cybersecurity experts sa Israel at sa San Francisco Bay Area na nagkakaroon na ng mga usap usapan sa mga forum ng mga kriminal na hackers tungkol sa puwede nilang gawin sa tulong ng bagong teknolohiya — kahit wala silang training sa computing coding o software.

Ito ang isa pinakamalaking panganib mula sa tipo ng AI ng ChatGPT. Nakapagbibigay ito ng mga bagong kakayahan sa mga taong nais gamitin ang AI sa masasamang pakay.

ADVERTISEMENT

Inilunsad ang ChatGPT sa publiko kaya kahit sino pwedeng gamitin ito tulad na rin na pwedeng gamitin nang kahit sino ang Google Search para magsaliksik sa web.

Puwedeng magbayad ng subscription para sa mas abanteng version ng teknolohiya. At ginagamit na rin ang teknolohiya sa mas malalaking platform tulad ng Bing ng Microsoft. Kaya nga naging mas matingkad ang kompetisyon ng Microsoft at Google dahil sa bakbakan nila sa AI.

Merong mga safeguards na nilagay para hindi lantarang makakapag request sa ChatGPT na gumawa ng malware o anumang software na gagamitin para mag-hack ng ibang computer o magnakaw ng identity ng ibang tao.

ADVERTISEMENT

Pero marami ring paraan para naiwasan ang mga safeguards na ito, at magamit ang ChatGPT para sa masasamang layunin.

At iyon ang mga nakita ng mga cybersecurity experts ilang araw lang matapos ilunsad ang teknolohiya.

Sa mga chat rooms na ginagamit ng mga hackers, may na pickup silang mga usapan ng mga hackers. Ang ilan ay nagyayabang na mas napino nito ang mga malware sa tulong ng ChatGPT.

Subalit napakalinaw ang mga panganib.

Mas naging aktibo ang mga cybersecurity companies and organizations sa pagmatyag at pagbabantay sa mga bagong hamon bunga ng pagusbong ng mas makapangyarihang AI.

Ito ang panganib na hindi pa lubos na napagaaralan ng mga nagtutulak ng bagong henerasyon ng AI. Nagagamit ang AI sa napakaraming larangan. Napapabilis ang mga proseso sa negosyo at sa malalaking organisasyon. Nagagamit upang mas malaman nang mabilis at may katiyakan ang mga nangangailangan ng tulong.

Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: AI
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




We use cookies to ensure you get the best experience on our website. By continuing, you are agreeing to our use of cookies. To find out more, please click this link.