Magagamit ba ang AI sa pagluto ng sisig? Magagamit ba ang AI sa pagluto ng sisig?
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Magagamit ba ang AI sa pagluto ng sisig?

/ 10:04 AM March 15, 2023

Sisig. WIKIPEDIA

Isang mainit na plato ng Sisig. WIKIPEDIA

Misyon namin noon ng mga kaibigan ko ang mahanap ang pinakamasarap na sisig sa Kamaynilaan.

Ang panalo noon ay ang sisig ng Trellis sa may UP. Pero nagreklamo ang ilang kaibigan ko na mukhang nagbago na raw ang lasa ng sisig sa matagal naming tambayan para sa salu-salo at inuman.

Naalala ko ito noong may sinulat ako sa paggamit ng AI para sa pagluluto, lalo na ng mga espesyal na pagkain, iyong tipong sikreto at mahirap gayahin ang mga recipe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tubong India sina Nikhil Abraham and Mohit Shah na mga engineers sa tech industry sa San Francisco Bay Area. Na-miss nila ang Indian food. Kaya naisip nilang gamitin ang kanilang nalalaman sa teknolohiya para mabalikan ang mga pagkain mula sa kanilang Inang Bayan.

At dito pumasok sa AI o artificial intelligence.

Sinubukan nang gamitin ng mga businessman ang AI para sa pagluluto or sa pagpapatakbo ng mga restaurant o food delivery service. Pero iba ang naisip nina Abraham at Shah. Gusto nilang gamitin ang AI para talagang ma-record sa software algorithm ang istilo, ang timpla, ang dating ng bawat putahe, lalo na ang mga likha ng mga chef at masterchef.

ADVERTISEMENT

Umuwi sila sa India para subukan ito. Naglunsad sila ng kompanya, CloudChef, at nagtayo ng isang test kitchen sa Mumbai. Inimbitahan nila si Thomas Zacharias, isang sikat na chef, sa test kitchen. Bukod sa karaniwang gamit sa isang kusina, sophisticated ang teknolohiya ng test kitchen. Mayroon itong mga heat at motion sensors at camera na ginagamit para i-record ang bawat kilos, bawat pag titimpla ng mga rekados, bawat pag halo ng mga sangkap sa palayok, at marami pang iba.

Bawat gawin ni Zacharias ang ginagawang digitized information na pinoproseso ng AI software. At ang impormasyong ito ay ginagamit ng kompanya nina Abraham at Shah para i-replicate and mga recipe ni Thomas. Hindi lang ang mga rekados or mga instructions sa paghahanda at pagluluto. (“Pakuluan nang dalawampung minuto bago ihalo ang gulay.”)

Nirerecord din ng AI kung paano ang layunin ng pagluluto. Halimbawa kung gaano ka-brown ang paggisa sa bawang o kung gaano kalabnaw o kalapot ang timpla ng sauce.

ADVERTISEMENT

Napabilib si Thomas, ang chef na taga-Mumbai. Sapol na sapol ng staff ng CloudChef ang mga likha niya, sa tulong ng AI na ginamit sa kusina ng kompanya.

Para saan ito?

Ang mga likha ni Thomas at iba pang chef ay nirereplicate ng kompanya para sa mga kustomer na gustong makatikim ng mga luto ng mga pinakamagaling na cook sa mundo. May porsyento sa benta sina Thomas at ibang manlilikha.

Ang isang ambisyon ng CloudChef ay magamit ang kanila teknolohiya para ma-document ang mga masasarap na luto na sa ngayon ay limitado lang ang nakakatikim. Kasama na rito ang mga luto ng mga nanay o lola ninyo. Balang araw, sa pananaw ng CloudChef, baka pwedeng ma document ito ng AI at maipalaganap pa sa marami.

Dito ko naisip ang sisig. Lalong lalo na ang sisig sa Trellis. Di ko tiyak kung tama ang mga kaibigan ko na sinabi sa king nag iba na ang dating nito. Pero kung nagamit sana ang AI ng Cloud Chef, baka kayang i-preserve ang kaalaman kung paano magluto ng pinakamasarap na sisig sa buong Maynila.

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

MORE STORIES
Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: artificial intelligence
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.