Matandang madreng tumutol sa Patayang Duterte | Inquirer
 
 
 
 
 
 
Kuwento

Matandang madreng tumutol sa Patayang Duterte

/ 11:04 PM April 23, 2018

Sister Patricia Fox, 71, was arrested and then released by Philippine immigration authorities. INQUIRER FILE

Sister Patricia Fox, 71 years old, tubong Australia subalit halos tatlong dekada nang nakatira sa Pilipinas.

Si Sister Pat, matandang madre, tinutulan and pagpatay sa libu-libong Pilipino, karamihan mga mahihirap.

Isang matandang madreng nanlaban sa Patayang Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagalit si Duterte. Marami raw “yakyak” ang madre. Dapat daw ituring na kaaway. Sinubukang itaboy sa bansang matagal na niyang inangkin, inaresto, binastos.

“Ikaw madre, why don’t you criticize your government?” hirit ni Digong. “The way you handled refugees. Hungry and dying, and you turn them back to the open sea. You’re getting rid of the natives there, and refugees in the island. Bakit hindi ka magyakyak doon?”

“Stick to your own religion, and try to correct abuses within your organization,” sabi pa ni Digong. “To address homosexuality, and malpractices, and adulterous priests, putangina.”

ADVERTISEMENT

Walang malinaw na paliwanag kung anong pinagyayakyak ng instigador ng malawakang patayan sa Pilipinas.

Anong kinalaman ng isang madreng matagal nang nakatira sa Pilipinas, na kilala sa mga gawain niya para sa mga mahihirap sa mga isyung tinukoy  ni Tatay Digong?

Ang sagot: Wala.

ADVERTISEMENT

Bakit kung ganoon sinubukang patalsikin si Sister Pat mula sa bansang matagal na niyang pinaglilingkuran?

Ang sagot: Dahil pumalag ang matandang madre sa pagwasak sa bayang matagal na rin niyang pinagmamalasakitan.

Dahil tinanggihan niya ang Patayang Duterte.

Dahil tulad ng maraming Pilipino, hindi niya matanggap ang isang kampanya laban sa mga pinagbintangang nanlaban, sa mga pinagbintangang durogista, sa mga mahihirap na pinatay kahit walang ipinakitang ebidensya sa mga bintang sa kanila.

Si Sister Pat, matandang madre, nagsasalita laban sa patayan, ipinagpapatuloy ang matagal na niyang ginagawa ..

Ang tumulong at manindigan para sa mga walang kapangyarihan..

Ang magsalita at magprotesta sa harap ng pambubutangero ng mga makapangyarihan.

Sabi ni Digong: “Ikaw madre, why don’t you criticize your government?”

Ang dapat lang isagot sa butangero: “Ikaw na takot sa madre, why don’t you stop the killings under your government!”

Visit the Kuwento page on Facebook.

Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING

Don't miss out on the latest news and information.
TAGS: Australia, Boying Pimentel, opinion, repression, Rodrigo Duterte, Sister Patricia Fox
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.




This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.