“11,103” ay bagong documentary tungkol sa diktadura ni Marcos. At aaminin kong nakakabulabog ng kalooban ang panonood nito.
Ito ang unang documentary tungkol sa diktadurang Marcos na napanood ko mula noong bumalik sa poder ang mga Marcos, mula noong naging presidente ang anak ng diktador.
Lumaki akong nanonood ng mga documentary tungkol sa rehimen. Bago pa ito ng web, bago nagkaroon ng YouTube at iba pang plataporma kung saan maaaring manood nang kahit ano kahit kailan.
Karamihan ng pinapanood naming documentary ay nasa Betamax tapes. Pinapanood namin sa mga classroom at tahanan. Minsa palihim ang panonood dahil bawal at delikado ang panood or pagbasa ng kahit anong kumakalaban sa diktadura.
Pinaka memorable ang documentary ng BBC To Sing Our Own Song narrated by and featuring the late Senator Pepe Diokno.
Naging mas madaling manood ng documentary noong bumagsak ang diktador noong 1986. Mas naging malaman pa ang mga bagong documentary, mas maraming mga impormasyon, mga video footage, mga litrato na nagpapakita kung paano nilapastangan ng mga Marcos ang Pilipinas.
Binalikan ng “11,103” — sina Jeanette Ifurong at Mike Alcazaren ang mga direktor at si Kara Magsanoc-Alikpala ang producer — ang mga kuwento ng paniniil at kahayupan ng gobyernong Marcos.
Tinatalakay ng documentary ang kuwento ng ilan sa mga 11,103 mga Pilipino na officially recognized ng gobyerno bilang mga biktima ng diktadurang Marcos na eligible sa compensation mula sa $2 billion na dinugas ni Marcos at itinago sa mga Swiss banks. (Binalik ang halagang ito sa kondisyong gagamitin ito para tulungan ang mga biniktima ng diktador.)
Hindi madaling panoorin ang “11,103.”
Ginunita ng dating student leader na si Chris Palabay recalls the murders of his brothers, and his own gruesome torture. “Inalis lahat ang damit ko tapos kinuryente ako. Pinaupo ako sa ice block tapos nilublob pa ako sa kasilyas.”
Isa pang aktibista at healer, si Helen Narciso, kinuwento kung paano siya ni-rape. “Ginive up ko na ang katawan ko. Barilin niyo na ako. Tawanan sila mabuti pa ang basahan linishin mo with Clorox puputi pa. Paano mo lillilinisin ang katawan?”
Pinatingkad ng “11,103” ang isang kahinaan ng Martial Law compensation program — hindi sapat ang naging pagtutok sa mga biktima sa Mindanao.
“Less than 0.007% not even 1% of those who were given reparations came from Muslim Mindanao when we know that thousands of them actually suffered during that period,” paliwanag ni Chuck Crisanto, director of the Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission.
Tinalakay ng documentary ang 1974 Palimbang massacre kung saan libu libong mga Muslim ang pinahirapan, ginahasa at pinatay. “Bumalik po ako dito, hindi pa rin ako mapalagay,” one of the survivors, Mariam, says. “Nasa loob ko talaga is how to revenge. Masakit talaga ang loob ko na bakit ganoon na walang kalaban laban ginawa nila sa mga parents. namin”
Pinagtapat ng “11,103” ang mga kuwento ng paniniil at pambabalasubas noong panahon ng diktador sa kampanya ni Bongbong — isang kampanyang batay sa mga garapalang kasinungalingan sa social media.
Nakayayanig ang isang bahagi ng documentary. Sa dulo ng segment tungkol sa Sag-od Massacre sa Samar (isang kahayupang tinalakay din sa “To Sing Our Own Song”) sumunod ang video ng nina Bongbong at ni Juan Ponce Enrile, ang kaalyado ni Marcos na sumama sa 1986 uprising subalit naging tapat sa mga kasinungalingan ng rehimen..
“During Martial Law there were no massacres,” sabi ni Enrile. “Name me one person who was arrested because of political or religious beliefs during that period.”
“They were all for criminal acts,” sagot ni Bongbong.
At pinabulaanan ang mga kasinungalingang ito sa isa pang eksena kung saan pinakita ni Crisanto ang libu libong files ng mga kaso ng pandaharas at pang aabuso sa mga biktima na kinolekta ng martial law claims board.
Id–digitize ito at ipapakalat ang mga kopya sa mga paaralan at sa ibang bansa.
“Hindi tayo makakalimutan, Hindi ito mabubura,” sabi ni Crisanto “Even if censorship is imposed in the Philippines and we lose everything.”
Idiniin ng “11,103” ang isang mahalagang punto na dapat hindi makalimutan: ang mga pang-aabuso, ang mga panggagahasa, ang mga paniniil ay hindi mga isolated na kaso. Hindi ito gawa gawa ng mga tarantadong militar at pulis na kumilos na walang koordinasyon sa diktador.
“This is recognized as state sponsored. This is not done by a sadistic colonel or by someone who’s a bad egg in that establishment,” Crisanto says. “There was an order from the top and that kind of order created this kind of impunity.”
Pinaliwanag ni Crisanto ang isa pang mahalagang probisyon sa batas: ang pagtatayo ng isang memorial para gunitain ang kahayupan ng diktadurang Marcos. Inaasahang matatapos ito sa loob ng dalawang taon — at inaasahang ang pangulo ng Pilipinas ang mamumuno sa inauguration.
Igagalang ba ng anak ng diktador ang batas — o susubukan bang balewalain ito batay sa mga kasinungalingang ginamit niya para makamit ang kapangyarihan?
Nanalo ang mga Marcos sa pakikibaka para sa alaala at kasaysayan sa tulong ng bilyun bilyong dinugas ng diktador na ginamit para baluktutin ang katotohanan.
Pero hindi pa tapos ang laban. “11,103” ay patunay na nagsimula na ang memory counter-offensive.
“I feel blessed and privileged to live and survive to tell others Hoy Gumising na Kayo! Gusto ninyo bang maulit!” sabi ni Hilda Narciso.
Sabi ni Mariam, ang survivor ng Palimbang Massacre: “I want to be heard by the people na marining man lang meron talagang nangyari sa amin. What I want is justice. Kahit man lang boses we can be heard … we can be heard by them.”
Want stories like this delivered straight to your inbox? Stay informed. Stay ahead. Subscribe to InqMORNING